Lunes, Nobyembre 28, 2016

Global Warming: Ang Problema ng mundo


                   Global Warming: Ang Problema ng Mundo


    Sa ating mundo ay maraming pagbabago ang nagaganap katulad ng pagkakaroon ng “global warming”. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng mundo dulot ng malakas na paggamit ng carbon dioxide, chlorofluorocarbon at iba pang pollutants na may matinding epekto sa ating kapaligiran.

   Batay sa isang blogspot na kinumentaryohan ni Ronraf sa anobaangglobalwarming.blogspot.com, ang lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago kagaya na lamang ng ating panahon kaya naman ang bawat nilalang ng Diyos ay kinakailangan na makisama  sa naturang kalagayan ng mundo.

  Ayon sa website na  www.gabaykaalaman.com , ang mga sanhing nabuo sa pagkakaroon ng global warming ay ang  sobrang pagbuga ng carbon dioxide na  nagmumula sa usok ng mga sasakyan at mga pabrika katulad ng pagawaan ng tsinelas.  Madalas na pagputol at pagsunog ng mga kahoy sa kagubatan. Ang mga kahoy sa gubat ay maraming pwedeng paggamitan tulad ng paggawa ng iba’t ibang imprastraktura ng bayan. Paggamit ng insecticide at pesticide. Ang sobrang paggamit nito ay nagdudulot  ng  maraming sakit sa mga tao kagaya ng pagsusuka at pagkahilo.Isa pang dahilan ay ang paglaki ng populasyon ng  tao sa mundo. Ang lumalaking populasyon natin ang pinakasanhi sa lahat ng di kanais-nais na pangyayari. Sapagkat kapag dumadami ang populasyon maraming demand ng mga sasakyan , gusali at mga indusriya na nakakasira sa ating kalikasan.

   Kung susuriin natin ang sanhing nabanggit ito ay may kaakibat na epekto na ibabalik sa atin ng kalikasan. Ayon naman sa https://theannexmatters.wordpress.com/2011/09/23/ang-global-warming-at-epekto-nito-sa-bansa/ Narito ang mga sumusunod na epekto. Dahil sa pabago-bagong panahon ang kalusugan ng mga tao ang unang tinatamaan nito kung saan maraming sakit ang nangingibabaw tulad ng skin cancer, lagnat, sipon, ubo at iba pa. Ang mga hayop ay namamatay dahil sa sobrang init, ang karagatan ay mas lalong lumalaki dulot ng pagtunaw ng mga yelo sa mga lugar na malalamig at pagdagsa ng malalakas na bagyo.

   Ang pangyayaring iyan ay nagmula sa ibat-ibang aspekto na mismong tayong mga tao ang may kagagawan, (http://smkalammegah.wordpress.com/category/extra-facts/)kasama na rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat waves), bagyo at buhawi. Ito ang pinakaproblema na kinakaharap natin sa kasalukuyan. Ito ay nangangailangan ng maayos at organisadong solusyon bago pa mahuli ang lahat.

                                                                                       Ni: Mikee Seladis


Sibak ng Kahapon

     Lahat tayo ay nakakaranas ng mga problemang napakahirap solusyonan. Ito ay isang digmaan na kinakailangang malampasan upang tayo ay magtagumpay sa kahit anung larangan ng buhay.

    Ang aking pamilya ay binubuo lamang ng pito. Simpleng pamumuhay lang ang meron kami. Ang ngiti ng bawat isa sa loob ng tahanan ay hindi matatawaran ng kahit anong bagay sa mundo dahil sa parehas may trabaho ang mga magulang namin at kaming lima ay nakakapag-aaral ng maayos. Nabibili nila ang mga pangangailangan namin sa araw-araw. 

    Ngunit sa pagdaan ng maraming araw may mga pagbabagong di namin inaasahan.Nagkaroon ako ng sakit sa kidney noong nasa Day Care pa lamang ako. Halos isang linggo akong nanatili sa isang pampublikong hospital na mainit at maingay. Nang mga araw na iyon, hindi namin inaasahan na matatanggal sa trabaho ang aking napakasipag ina ng walang dahilan. Ayon sa isang katrabaho ni mama ang sariling tita ko daw ang nagpatalsik  sa pagiging secretary niya. Hindi ito nagawang sumbatan ng mga magulang ko ang kadamutan nito.
    Nagdaan pa ang mga araw na unti-unting ng nawalan ng pag-asa ang aking pamilya.Halo-halong basura ang nasa utak ng magulang ko.Napag-isipan tuloy ng aking ama na si kuya na lamang muna ang papaaralin dahil sa hindi naman sapat ang kanyang sahod para sa aming lahat, kaya naman ang aking ina ay gumawa  ng paraan upang makahanap ng magandang trabaho. Kaming mga anak niya  ay nagkanya-kanyang sikap sa paghahanap buhay. Nagbenta ako ng mga cracker tuwing may pasok at kapag Sabado at Linggo ay nagluluto ako ng masarap na barbecue sa labasan ng bahay namin, ang naging puhunan ko rito ay ang perang nakuha ko sa pagsama sa palayan nila lolo. Walang tumulong sa amin kahit na isa sa mga kapatid ni papa. Parang bang isang laro lang kami na pinagkakaisahan  at hayop na pinagdadamutan ng mga bagay na kailangan namin. Sa tuwing umuuwi  nga  ang mga kapatid ng aking ama kami ay nagiging alipin sa bahay kung turingin.

   Nagkandarapa na sa pagtatrabaho ang mga magulang ko upang kami ay makapagtapos ng pag-aaral at hindi  nagtagal ang bulaklak na dating tuyo ngayon ay isang napakagandang bulaklak na. Ang dalawang kapatid ko ay isa ng matagumpay na police ng bayan kahit na ang isa kong kapatid na babae ay hindi maganda ang naging resulta ng kanyang buhay,ang aking ina naman ay isang Administrative Assistant II at ang aking ama ay naging taga-hatid sundo nalang namin. Sa ngayon, dalawa na lamang kami na natitirang nag-aaral sa High School. 

  Hindi tumagal naging maganda na ang tubo ng bulaklak na iyon ,doon narin nagsimula ang pagbigay pansin ng mga taong nag-aalaga sakanya. Ang paghihirap na iyon ang lagi naming dala-dala kahit saan man kami magpunta at dahil sa laging paulit-ulit  na hinahabilin  ito ng aking ina “ mag-aral kayo ng mabuti dahil kayo rin ang makikinabang niyan at iyan lang ang kayang ipamana namin sainyo” at para maipamukha namin sa kanila na mali ang lahat ng pinagkakalat nila na ‘”walang makakapagtapos sa amin sa pag-aaral”.

  Maraming nakapansin sa mga pangyayaring kalungkot-lungkot sa buhay namin noon at laking pasasalamat ko rin  sa mga taong ubod sa bait kung tumulong. Alam niyo sa una  lang iyan mahirap pero kung  samasama kayong hinaharap ito walang imposible na magtagumpay kayo.  Maging maliit man ito o malaki kinakailangan niyo lang naman ng pananalig sa Diyos, tiyaga at tapang sa bawat pagtungtong sa mga hakbang na gagawin ninyo. Lahat naman ng hiningi natin sa Diyos ay naibibigay niya. Oo matagal, pero kahit na ganun marunong parin dapat tayong maghintay sa kanyang biyayang ibibigay sa atin. Malay natin higit pa sa isang magarang palasyo ang igagantimpala niya. Hayaan niyo lang ang mga mahahanghang na salita na pinagsasabi ng iba tungkol sainyo at maging aral sana  ang mga kahindik-hindik na pangyayari sa buhay ninyo, nang sa ganun hindi na muling maulit  ang nangyari  lalong lalo na kapag nagkaroon kayo ng sarili niyong pamilya.

                                                                                            Ni: Mikee Seladis

Lunes, Nobyembre 21, 2016

Ang Musika

Ang musika ay tunog na kinakanta gamit ng boses o tinugtog gamit ang mga instrumento. Ito ay pwedeng sulat o mga simbolo na nagpapalabas kung paano ang musika ay gamitin. Ang musika ay isang uri ng sining na kailangang gumamit ng tunog, karaniwan nito ay kanta, tinuturing itong pinakamaliit na gawang musika, lalo na kung mayroon itong kasamang pag-awit. Ang mga karaniwang sangkap ng musika ay pitch na gumagabay sa tono, melodiya at harmonya. Isa pang sangkap ay ang ritmo at ang kaugnay nitong tempo, metro, at artikulasyon. Ang panghuli ay ang dynamics at ang lahat ng ibang uri ng katangian, timbre, at tekstura.
Iba-iba depende sa kultura at panlipunang konteksto ang paglikha, pagganap, kabuluhan, at pati na rin ang kahulugan ng musika. Ang mga kasama nito ay mula sa komposisyon na organisado at ang panglibang na pagganap nito, sa pamamagitan ng binagong musika, hanggang sa porma nitong aleatoric.
Ang musika ay may iba-ibang klase. Nalalaman ito sa pamamagitan ng genre at subgenre. Ang mga dibosyon at relasyon sa mga kategorya ng musika ay kadalasang pino, minsan bukas ito sa pangsariling pagkaunawa, at minsan kontrobersyal. Sa sining, ang musika ay itinatanghal. Pwede ring tugtugin ang musika at marinig ng pangkasalukuyan. Pwede rin itong maging bahagi ng iba't-ibang dulaan o pelikula, at maaari din irecord.
Sa dami ng tao sa ibat-ibang kultura,sa Pilipinas bahagi ito ng pamumuhay ng mga tao.Para naman sa mga sinaunang Griyego at pilosopong Indiano, ang musika ay mga tono na nakaayos pahalang at patayo na harmoniya.Mga pangkaraniwan na kasabihan ay nasasabi na ang musika ay kadalasang nakaayos at magandang pakinggan.
Ang musika ngayon ay malaki ang naiaambag sa bawat kultura ng iba-ibang klase ng tao.Nakakatulong ito kadalasan bilang trabaho, negosyo,o ginagawang instrumento ng mga tao bilang komunikasyon.Ang musika ay napakahalaga lalo na sa ating mga Pilipino.Kailangan natin itong mas lalong payabongin at pahalagahan


Sanggunian:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Tugtugin?_e_pi_=1%2CPAGE_ID10%2C7386787811

isinulat ni:
Emmanuel Collantes

Kalabaw

               Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang kalabaw dahil likas ito sa ating bansa at karaniwan itong alaga ng mga Filipino.Madalas itong iniuugnay sa mga mambubukid dahil ito ang kadalasang napiling hayop para sa pag-aararo at pagtutulak ng kariton na ginagamit ng mga mambubukid upang dalhin ang kanilang mga ani mula sa bukid patungo sa pamilihan.

               Ang kalabaw o (bubalus bubalis carabanesis o minsan bubalus carabanesis) ay isang uri ng kalabaw na pantubig o water buffalo na karaniwang natatagpuan sa Pilipinas,Guam, at pati sa ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya.

               Karaniwang nabubuhay ang mga kalabaw ng 18 hanggang 20 taon at maaaring umabot ang timbang nila sa walong-daang kilo sa kanilang pagtanda.Karaniwang itim ang kulay ng kanilang balat na nakapalibot sa buo nilang katawan habang ang kanilang ulo at ang dulo ng kanilang buntot ay mabuhok.Parehong may sungay ang babae at lalaking kalabaw.

               Kadalasang nagpapalamig sa mga putikan ang mga kalabaw dahil wala silang sweat glands.Nakabubuti ito sa kanilang kalusugan dahil hindi lang sila nakapagpapalamig,nagiging proteksyon din nila ito laban sa mga halamang ligaw.Tuwing umaga kumakain ang mga kalabaw.

               Sa kasalukuyan marami nang mga makinarya na ginagamit ng mga tao para ihalili sa kalabaw.Subalit mayroon pa ring mga magsasaka na gumagamit ng kalabaw sa kanilang pagsasaka.

Mga Sanggunian:
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/kalabaw?_e_pi_=7%2CPAGE_ID10%2C9898973725
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Kalabaw

isinulat ni: Raymondfred V. Salac

Pasko sa Pilipinas

               Ang Pasko sa Pilipinas ay isang gawain ng mga pamilya. Bag ag alas-dose ng hating gabi sa Disyembre 2, ang Misa de Aguinaldo ay idinidiwang. Ang Misa de Aguinald ay ang misa na nagpapabatid ng pagkasilang ni Panginoong Kristo, ang Simbahang Roman Katoliko, at ang Philippine Independent Church (Aglipayan) sa pagdiwa ng sinilangan Jesu Kristo.

               Ang Pasko ay maituturing na isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa Pilipinas at sa ibang panig ng mundo kung saan Katoliko ang pangunahing relihiyon. Maituturing naman na sa Pilipinas ginaganap ang pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko na nagsisimula pagsapit ng Setyembre hanggang sa pista ng Tatlong Hari sa unang Linggo ng Enero.

               Ang Noche Buena ay isang tanyag na kaugaliang Filipino na tumutukoy sa salu-salo o pagdiriwang sa gabi ng bisperas ng kapaskuhan. Hango ito sa salitang Espanyol na nangangahulugang "magandang gabi" o "banal na gabi" at isa ring kustumbre sa mga bansang Espanyol. Tuwing bisperas ng Kapaskuhan, kadalasan ay matapos ang huling misa ng Simbang Gabi, ay nagtitipon ang pamilya, kasama ang iba pang mga kamag-anak, para sa isang masaganang hapunan. Kaakibat ng masayang kainan ay magigiliw na awitin, masiglang sayawan, at walang humpay na kwentuhan.

               Hindi maikakailang malakas ang impluwensya ng Kristiyanismo sa ating bansa dahil sa buong Asya, tayong mga Pilipino ang may pinakamaaga, pinakamahaba at pinakamatagal na pagdiriwang ng Pasko. Pagpatak pa lng ng buwan ng Setyembre, nagsisimula ng makarinig ang lahat ng mga tugtuging pamasko sa radyo. Mayroon na ring mga kaakit-akit na mga ilaw, parol, at palamut sa daan. Siksikan na rin sa mga mall at mga tiange. Halos lahat ng mga palabas sa telebisyon ay may temang tungkol sa Pasko.


               Ibang klase ang Pasko sa Pilipinas. Sa kabila ng dami ng problemang dinaranas taun-taon, may kakaibang ngiting nakikita sa mga labi ng bawat taong makakasalubong mo sa kalye, sa eskwela o di kaya'y sa opisina. Sadyang kakaibang sigla ang naidudulot ng simoy ng Pasko sa ating mga Pilipino.

Mga Sanggunian:
http://www.tourisminthephilippines.com/city/Tacloban/christmas-in-the-philippines/pasko-sa-pilipinas-araw-ng-pasko.html
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Noche_Buena
http://varsitarian.net/editorial_opinion/opinion/pasko_sa_pilipinas
pasko-wikifilipino


isinulat ni: John Christian M. Pongan

Ang Teknolohiya sa Edukasyon Dapat Palawakin

        Paano nga ba nakakatulong ang teknolohiya sa ating pag-aaral o sa ating edukasyon? Maganda ba ang naidudulot nito sa mga kabataaan na nag-aaral sa Curriculum na K-12? Sa aking paghahanap nakakuha ako ng impormasyon na sasagot sa mga katanungan na ito. Pinakamahalaga ang Edukasyon sa mga kabataan mula elementary hanggang kolehiyo na tumatahak nito. Edukasyon ang tanging paraan para makasabay tayo sa ibang bansa. Pero sa tulong ng mga makabagong teknolohiya mas napapadali an gating mga Gawain sa paaralan. Sa pananaliksik matutulungan tayo nito upang humanap ng mga impormasyon nababatid sa ating katanungan.
        Ang paggamit ng teknolohiya sa Edukasyon ay maraming magandang naidudulot, simula sa simula pa lamang. Dahil bawat paaralan mapapubliko o mapapribado ay may sariling gamit na “Computer Laboratory” upang maturuan ang mga estudyante na gumamit ng mga software at application nito upang makakalap sila ng mga impormasyon sa internet na pinagkukunan ng maraming impormasyon . Dahil sa teknolohiyang ito pwede mo na rin ibahagi ang yung mga nalalaman sa internet o sa blog sa paraan ng pagpopost nito. Upang ibahagi sa mga kabataan ang iyong mga nalalaman para matulungan din sila sa kanilang gawain. Marami na ang nagagawa ng teknolohiya sating pag-aaral. Kung may takdang-aralin tayo sa ating mga subjects na wala sa libro pwede tatong magsaliksik sa internet na matutulungan agad tayo upang masolusyunan an gating problema. Upang madagdagan ang ating mga kaalaman sa pag-aaral.
        Nagagamit din ang teknolohiya sa pagpasa ng mga impormasyon gamit ang komunikasyon sa internet. Upang magamit nila sa pag-aaral. Malawak an gating teknolohiya sa makabagong panahon na ating ginagalawan. Habang lumilipas ang panahon maraming paraan o naiimbento na mga teknolohiya na makakatulong sa Edukasyon ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral. Ang mga ito ay pwede rin magamit sa iyong tatahaking kurso sa kolehiyo. Halimbawa kung ang kinuha mo ngayon sa Senior High School ay ang Technical Vocational na may kaugnay sa “Information and Communication Technology” mas mapapadali ang iyong pag-aaral dahil sa iyong mga nalalaman dahil sa tulong ng teknolohiya ng iyong pinag-aaralan sa Seior High School.
        Ano nga ba talaga ang Edukasyon para satin? Pwede ba ito gamitan ng teknolohiya para matulungan ang mga estudyante na gustong mapaunlad ang ating pilipinas? Ang Edukasyon ay mahalaga satin upang mapaganda an gating kinabukasan at makasabay sa ibang bansa na mas advance pa sa atin. Gamit ang teknolohiya mas napapadali ang ating paghahanap ng mga impormasyon na makakatulong sa atin upang maipresinta ito sa klase na walang pag-aalinlangan.
        Makapagbibigay din ito ng kasiyahan dahil sa mga samu’t saring mga laro na may kaugnayan sa ating pag-aaral na maiingganyo rin sa iba pa. Pero sa paggamit ng teknolohiya ngayon ay wag din itong abusuhin. Dahil sa ngayon umaasa na ang mga kabataan sa teknolohiya upang kumalap ng mga impormasyon na dapat rin kumuha sa mga libro, na mayron ding mahahalagang bagay na dapat nilang tuklasin gamit ang libro.

Stress o Tensiyon

     Ang stress ay isang sitwasyon na nagdudulot ng pagkabahala at iba pang negatibong pakiramdam. Ito'y isang normal na reaksyon o pakiramdam na bunga ng pang-araw-araw na suliranin na kinakaharap ng bawat tao. Ito'y nakaaapekto sa pisikal at sikolohikal gayundin ang emosyonal na aspeto ng tao.

     Ayon sa healthwikipilipinas.org, ang stress ay maaaring isang sanhi ng pagkukulang sa suporta, problemang pinansyal, pampamilya, trabaho at kakulangan sa oras at atensyon. Maaari ring ito'y dahil sa pagkakaroon ng mababang sahod, kawalan ng trabaho, bahay at pamilya, away sa loob at labas ng bahay, pagkakasakit, aksidente, biktima ng karahasan, pang-aabuso, droga at alak. Ito rin ay maaaring magmula sa iba pang paktors tulad ng kultura, klima, relihiyon, lahi at iba pa.

    Ilan sa masasamang epekto ng stress ay ang pananakit ng ulo at kalamnan, paninikip ng dibdib, hirap sa pagtulog, pagkabalisa, kawalan ng pokus sa lipunan at kng malala ay kamatayan, hango sa kalusugan.ph.

    Gayunman ang pangmatagalang stress ay maaari ding magdulot ng di lamang simpleng pananakit ng ulo bagkus pati na rin ng mga kumplikadong sakit tulad ng sakit sa puso, hika, obesidad, diabetes, alzheimer, madaliang pagtanda at premature death. Ayon kay Winner, naaapektuhan din ng pagkakaroon ng stress ang kondisyon sa tiyan. Maaari itong magresulta sa chronic heartburn. Maaari rin itong magdulot ng pagbara sa bloodstream dahilan sa labis na cortisol at adrenaline hormones.

     Ayon sa akoaypilipino, maraming hakbangin ang maaaring gawin upang maiwasan at mabawasan ang tensiyon o stress. Ilan rito ay ang pananatiling positibo, pagmumuni-muni, pagtawa, pag-awit, pagsasaayos ng schedule, pagpapatawad, pagdarasal, pag-eehersisyo, pagkain ng tama, pagrerelax at pagpapahinga paminsan-minsan (Marso 16, 2016)

     Isang malaking suliranin ang stress sa lipunan gayunpa't sentro ng problemang ito ay mga kabataan, propesyunal at mga taong may malaking responsibilidad sa pamilya at lipunan. Importanteng malaman na ang pangangalaga sa sarili at pag-iwas sa stressors ay importante dahil hindi lamang pisikal na sakit ang nakasasama pati na rin ang mga popular na sikolohikal na sakit tulad ng stress.


Mga Sanggunian:
*akoaypilipino(16march2016)
*kalusugan.ph
*http://www.remate.ph/2012/03/10-suliranin-sa-kalusugan-na-may-kaugnayan-sa-stress/
*stress.medicinenet.(hinango noong 16 hunyo 2011)
*stress.emidencehealth. (hinango noong 16 hunyo 2011)
*stress.kidsHealth.(hinango noong 16 hunyo 2011)
*http://health.wikipilipinas.org/index.php/stress



Tekstong Impormatibo ni
Kristina Marie R. Bermejo