Biyernes, Nobyembre 18, 2016

Medisina: Noon at Ngayon


Ayon sa Egyptian papyrus scrolls, ang panggagamot ay karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng mga pamahiin, orasyon at relihiyosong ritwal. Bago pa nakarating sa Pilipinas ang mga kastila, ang panggagamot na gamit ang mga Pilipino o ang tinatawag ngayong Albularyo o ang paggamit ng mga halamang gamot upang malunasan ang karamdaman (Bibiano Fajardo, Siyensa ng Paggagamot) Nagsimula ang makasensiyang panggagamot sa tagumpay ni Hippocrates sa pagsuri ng iba`t ibang sintomas ng sakit na naging batayan ng kasalukuyang medisina nating ngayon. 
Si Hippocrates din ang tinaguriang Father of Medicine dahil sa paglatag niya ng pundasyon sa makabagong medisina. At ito`y ay sinundan ng pagkatuklas ng Human Antomy. Ilang dekada pa ang lumipas ng di inaasahang natuklasan ni Wilhelm Röntgen, isang hermanong enhinyero at physicist noong 1895 na gumagamit ng radiation rays na pumapalaos sa katawan ng tao nang hindi tinatamaan ang buto, naging madali ang paggagamot dahil sa X-ray, na siyang ginagamit natin, kasama nito ang pag-oopera o surgery. Iba`t ibang uri pa ng sakit ang nagsilabasan sa mga dekadang lumipas, kasama na dito ang pagkadiskubre ng smallpox (bulutong), rabis, kolera, tetanus, yellow fever, pneumonia, hepatitis, influenza, polio at iba`t ibang uri ng bakuna na siyang umakay sa sensiya ng mikrobiyolohiya(Makabagong medisina: Gaano kataas ang maaabot nito?) gayundin ang kinilala nating Stem cell theraphy ay na diskubre noong 1998 na naglalayong maging alternatibong panggagamot sa kanser at iba pang uri ng sakit.
Napakaraming mahuhusay na manggagamot ang naglahad ng kanilang mga pag-aaral kaya`t naging napakabilis ang pagsulong ng medisina sa ikalawangpung siglo, nadiskubre ang insulin para sa diyabetis, chemotheraphy naman ang naging panggamot sa kanser, dialysis para sa sakit sa bato, open-heart operation at mga organ transplants (Makabagong medisina: Gaano kataas ang maaabot nito?) 
Ngayong 21-siglo, naging possible na ang napakaraming bagay na di natin halos maisip na possible, tulad na lamang ng portable lungs, womb transplant, quick test para sa mga nakamamatay na sakit tulad ng malaria, ebola, dengue, haemorrhagic fever at yellow fever. Naglabas din ng pahayag ang unibersidad ng Bonn sa Germany at Unibersidad ng Northeastern sa Boston tungkol sa pagkadiskubre ng bagong antibiotic na epektibo sa mga nakamamatay na infection (pneumonia, tuberculosis, infection sa tissue at dugo) sa tatlumpung taon na walang bagong pag-aaral sa antibiotics. Isa ring pag-aaral sa Roswell Park Cancer Institute ay ang bakunang nakatataas ng survival rate ng isang pasyenteng may kanser sa baga (Medical Advancements 2016) 
Gaano man kalayo ang maaabot ng makabagong medisina, ang mahalaga ay maisakatuparan nito ang layuning magtaguyod ng malusog at katanggap-tanggap na kalusugan sa lahat ng tao dahil ito ay isang sangay ng agham ng kalusugan.


                                                                                            -Isinulat ni: Karla Marsia S. Uno -


1 komento: