Sabado, Nobyembre 19, 2016

Ang Pilipinas

               Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla. Tinatayang higit sa 300,000 kilometrong kwadrado (sq.km.) ang laki ng nasabing bansa. Nahahati ito sa tatlong malalaking pulo o isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa taong 2013, umabot ang kabuuang populasyon ng bansa sa 111, 218,000. Kilala ang bansang Pilipinas bilang "Asia's Largest Catholic Country" dahil sa dami ng mga Katolikong Pinoy. Dahil sa higit isang daang etnikong matatagpuan sa bansa, nagkaroon ng halo-halong kultura na siyang naging paraan para makilala ang Pilipinas sa iba't-ibang parte ng mundo.

              Ang Pilipinas ay isang konstitusyonal na bansa. Mayroon itong pangulo na nagsisilbing parehong pinuno ng gobyerno at estado. Isa ang bansang ito sa mga orihinal na kasapi ng Association of SouthEast Asian Nations(ASEAN) at ng (United Nations). Sa taong 2016, naihalal bilang pangulo ng bansa ang dating lider ng Davao City na si Rodrigo "Rody" Roa Duterte, na mas kilala bilang "Digong". Ang bansa ay may sariling embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo. 

             Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa iba't-ibang parte ng mundo. Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronics, semi-conductor, transport equipment kagamitang pangkonstruksiyon at mga mineral.

            Kung turismo ang pag-uusapan, kilala ang bansa sa katagang "It's More Fun in the Philippines". Noong 2013, umabot sa higit 4.7 million na mga turista ang dumagsa sa bansa. Isa sa mga pinag-uusapang tanawin sa bansa ay ang Banaue Rice Terraces na may edad na 2000 taon. Ginawa ng mga Ifugao ang nasabing lugar nang walang ginamit na anumang-modernong pamamaraan.


            Hindi lamang kilala sa kontinente ng Asya kundi pati narin sa iba't-ibang parte ng mundo. Kulturang talagang walang katulad at Pilipinong walang kasing bait. Pilipinsa: Isang bansang pinagpala ng Maykapal.
-Isinulat ni Mark Gil C. Ante-

Mga pinagkunan:

www.gov.ph/about/ang-pilipinas/
www.lonelyplanet.com/philippines
www.wikitravel.org/en/Philippines
www.successstory.com/people/rodrigo-roa-duterte
www.touropia.com/tourist-attractions-in-the-philippines/




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento