Biyernes, Nobyembre 18, 2016

PAGBAHA: Suliranin sa Bansa



Taun-taong binabayo ang Pilipinas ng mga bagyo, at kaakibat nito ang kaliwa't kanang pagbaha. Halos dalawampu't limang taon na ang nakalipas nang maganap ang tinuturing na pinakamapaminsalang pagbaha na naganap sa Pilipinasna pinaniniwalaang kumitil sa halos 8,000 buhay sa isang bayan ng Leyte. Ito ay nakasaad sa artikulo ni FR Jimenez ng GMA News. Ayon pa ditto, kasabay ang pananalasa ng bagyong “Uring” (Thelma) noong ika-5 ng Nobyembre taon 1991, bumuhos ang malakas na ulan na lumikha ng flash flood sa Ormoc,Leyte. Ang resulta nito ay ang pagkasawi ng may 4,900 na katao at pagkawala ng mahigit 3,000 iba pa. Tinatayang 14,000 kabahayan din ang nawasak at umabot sa mahigit ₱600 milyon ang pinsala sa mga ari-arian. Kalunos-lunos din an gang eksena na dinadala sa mass grave ang mga nakukuhang bangkay na isinasakay sa dump truck.
Noong taong 2009, lumubog sab aha ang malaking bahagi ng Metro Manila dahil sa bagyong Ondoy. Noong 2011 naman, halos 1,000 katao ang namatay nang manalasa ang bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Central Visayas. Nakasaad ito sa isang dokumentasyon ng GMA News Online, www.gmanetwork.com. Dagdag pa dito, hindi panandalian ang epekto ng baha. Hanggang sa kasalukuyan, bakas sa ilang komunidad ang pananalasa ng tubig-baha.
Nakababahala ang inilarawan sa isang pag-aaral ng World Meteorogical Organization sa Pilipinas. Ayon sa pag-aaral, ang tubig sa kapaligiran ng Pilipinas ay tumataas ng tatlong ulit na mabilis kaysa sa average sa buong daigdig na 3.1 sentimetro bawat taon. Kaya naman mappansing ang kaunting ulan ay maaari nang magdulot ng pagbaha sa malaking bahagi ng bansa. Isa pa itong masamang balita para sa isang bansang hinahagupit ng 20 bagyo taun-taon, at itinuturing ng United Nations na pangatlo sa mga bansang nanganganib sa Climate Change.
Ayon naman sa daisy-fermin.blogspot.com, ang sanhi ng pagbaha ay ang maraming basurang nakaimbak sa mga ilog, kanal, estero at sa iba pang daluyan ng tubig. Isa pa ay ang malawakang pagputol sa mga punong kahoy (illegal logging) na sumisipsip sa tubig na dulot ng labis na ulan at hindi maayos na drainage system. Ayon pa dito, ang bunga naman ng pagbaha ay ang pagdami ng uri ng sakit, pagkawala ng kabuhayan at pagkasawi ng maraming buhay.
Ayon sa environment management expert na si Diomedes Racelis, peligroso ang pagtira sa maraming lugar na hindi lamang madalas bahain kundi landslide prone pa. Ngunit paalala rin ni Racelis, mayroong short-term, medium term, at long term na solusyon sa baha. Para sa short term, linisin ang mga estero o daluyan ng baha. Sa medium term naman, huwag magtapon ng kahit anumang maaaring humadlang sa daloy ng tubig. At para sa long term na solusyon, magsagawa ng comprehensive watershed management, at pangangalaga at rehabilitasyon ng mga pangunahing bahagi ng tubig kagaya ng Laguna de Bay at Manila Bay sa Central Luzon. Sa mga paraang ito ay maaaring mabawasan ang mga kaso sa pagbaha na isang suliranin ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan, ayon sa radio.inquirer.net inaasahang matatapos ang proyekto ng DPWH na Bluementritt floodwater interceptor para masolusyunan ang pagbah sa Maynila. Ngunit sa kabila nito, ang pagkakaroon ng disiplina ng mga mamamayan ang kinakailangan sa pagtugon ng baha na itinuturing na suliranin sa ating bansa.





Tekstong Impormatibo ni:
Bianca Izabel Villanueva Labanon
 

1 komento: