Mula sa pagbabagong nangyari sa kasaysayan ng mundo nagkaroon ito nang iba't ibang uri ng pamahalaan ayon sa Tunay na Pinanggalingan ng kapangyarihan. Sa ilalim nito ay ang pamahalaang awtoritarian tulad ng Monarkiya, Aristokrasya at Totalitaryan na kung saan sinasabing hindi nabibigyan ng pagkakataong sumalungat o magpahayag sa namumuno. Bukod sa mga pamahalaang awtoritario, mayroon ding pamahalaang malaya na ang Demokrasya.
Ang unang uri ay ang pamahalaan monarkiya na kung saan iisang tao lamang ang namumuno at siya ay tinatawag na ganap na monarko. Sa pamahalaang ito, ang lahat ng dyornalismong limbagan at medya ay walang kapangyarihan upang lumimbag ng akda nang walang pahintulot ng pamahalaan. Sa ilalim ng monarkiya, may dalawang uri, ito ay ang ganap o absolute monarchy na kung sa ang kapangyarihan ay hawak ng iisang tao at ang natatakda o limited monarchy ay kapangyarihang hawak ng iisang tao na kung saan siya ay nailagay ayon sa konstitusyon.
Ang ikalawang pamahalaan ay ang Aristokrasya, ito pinamumunuan ng ilang opisyal na mayroong mataas na katayuan sa lipunan at may kayamanan at kapangyarihan na namana sa mga magulan. Ang huling awtoritarian na pamamahala ay ang Totalitaryan. Ito'y pinamumunuan ng diktador o isang pangkat ng mga makapangyarihang tao. Ngunit kahit na diktador ang namumuno, siya ay humihingi ng mga sangguni mula sa lupon ng mgj tagapayo upang makapagtakda ng batas. Ang mga tagapayong ito ay kabilang sa partidong pulitikal. Walang ibang oposisyon o partido ang maaaring kumalaban at sumalungat sa mga ito. Sa bawat batas o programa kanilang pinatutupad walang sinumang ang makakatanggi dahil bibigyan ito ng kaparusahan.
Ang huling pamahalaan at nag iisang malayang pamahalaan ay ang pamahalaang Demokrasya. Ang pinuno ay nahahalal gamit ang kapangyarihan ng sambayanan. Sa sistemang ito lahat ay pantay-pantay sa anung pagkakakilanlan. At ginagalang dito ang kahalgahan ng tao.
Ang ating mundo ay nasa ilalin ng iba't ibang pamahalaan ngunit hindi ito dahilan upang hindi maging isa at payapa ang mundo.
Isinulat ni:
Mike L. Pormalejo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento