Biyernes, Nobyembre 18, 2016

MARIANA TRENCH

       
      Marami na ang mga manlalakbay ang nakaakyat sa mga mataas na bahagi ng mundo, ngunit dalawang tao pa lamang ang sumubok na pumunta sa pinakamalalim na dulo ng karagatan. Handang makipagsapalaran kung saan ang kondisyon sa ibaba ay kakaiba. Sa mga makabagong teknolohiyang naimbento mayroon nang nakadiskubre at nakatanaw ng mga paligid sa pinakamalalim na dulo ng karagatan, ito ay ang Challenger Deep ng Mariana Trench.

      Matatagpuan sa kanlurang pasipiko, silangan na bahagi ng pilipinas at Mariana Islands at umaabot sa sukat na 124 milya (200 na kilometro). Ang Mariana Trench ay isang "Crescent Shaped Trench". Ang Mariana Trench ay ang pinakamalalim na trintsera sa karagatan. May matatagpuan rin dito na liquid sulfur, carbon dioxide, aktibong mga mud volcanoes at mga marine life, na na-adapt sa presyon na 1000 doble pa sa sea level. Ang pinakamalalim na parte ng Mariana Trench ay ang tinatawag na "Challenger Deep", na hinango sa isang Exploratory Vessel HMS Challenger II. Sa sobrang lalim nito, hindi maglalayong madilim ang paligid rito na kung saan hindi na abot ang sinag ng araw.

      Ang Challenger Deep ng Mariana Trench ay mahirap masukat ang lalim nito, pero ayon sa eksperto umaabot ito sa sukat na 36,070ft. (10,994m), gamit ang "sound pulses" na ipinasa sa karagatang pasipiko noong 2010 na surbey na National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA). Ang ikalawang pinakamalalim na lugar sa karagatan ay matatagpuan rin sa Mariana Trench na tinatawag na Sirena Deep, ang sukat nito ay umaabot ng 35,462ft. (10,809m) ang lalim. Sa kabila ng kakaibang kondisyon sa ilalim ng trintsera. Marami pa ring namuhay na mga iba't-ibang klase ng isda, kahit nabubuhay ito sa dilim.

      Noong 2012, film director at deep-sea explorer James Cameron ay sumubok na pumunta sa pinakamalalim na lugar ng Challenger Deep, umabot sita sa ibaba hanggang 35,756ft. (10,898) habang sa 2012 na ekspediayon niya. Pero kahit na ang temperatura at paligid ay kakaiba, nasubukan pa niyang umaabot sa ganun kalalim. Pero kaya pa sanang sumubok na pailalim pa pero pero hindi na kinaya.

      Sa sobrang lalim ng mundo ng karagatan, marami pang hindi pa nadidiskubre, pero kahit na sa sobrang lalim ng Mariana Trench may namumuhay pa rin mga isda na kung saan "unique" na hindi makikita sa iba pang parte ng karagatan. Kahit na kinokonsider natin ito na piakamalalim na dulo sa mundo ng karagatan, hindi pa rin ito malapit sa sentro ng atin mundo.

-Isinulat ni Louis David A. Palo



Mga pinagkunan:

-http://www.deepseachallenge.com/theexpedition/mariana-trench
-http://www.marianatrench.com/
-https://www.google.com.ph/amp/amp.livescience.com/23387-marianatrench.html
-world of science
                     


                     

   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento