Biyernes, Nobyembre 18, 2016

Ang Daigdig

                             Ang daigdig  ay isa sa mapalad na planeta na umiikot sa isang napakalaking bituin na kung saan ito ay ang araw. Ang daigdig ay pangatlo sa mga planeta na umiikot sa araw na kung saan sa posisyong nito sa solar system ay nagsisilbing isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng buhay ang lahat ng nilalang sa mundo. Ang pag inog nito sa kanyang aksis paikot sa araw  sa bawat taon ay nasa kabuoan ay 365 na araw.

                             Ito ay binubuo ng tatlong bahagi ang crust, mantle at ang core. Ang crust ay ang bahagi ng daigdig na kung saan ito ay ang lugar na kung saan tayo nakatira at nabubuhay, ito rin ang isang matigas at mabatong bahagi ng daigdig. Ang mantle naman  ang ikalawang bahagi ng daigdig na kung saan ito ang bahagi na mainit at ang mga batong nandito ay natuunaw. At ang ang pangatlong bahagi ng daigdig  ay ang core, mayroon tayong tinatawag na inner at outer core. Ang inner core ay ang matigas na bahagi ng mundo kung saan ito ang pinakasentro ng daigdig , at binubuo ito ng materyal ma metal; iron at nickel. Samantala ang outer core naman ay ang likidong bahagi ng mundo na kung saan sa subrang init ng temoeratura sa bahaging ito ay natutunaw ang mga materyal dito, at ito rin ay binubuo ng metal na iron at nickel.

                             Ayon naman sa aklat na may pamagat na KASAYSAYAN NG DAIGDIG,2014 ang kapal ng crust ay umaabot mula 30-65 kilometro (km) pailalim mula sa mga kontinante. Subalit sa mga karagatan , ito ay may kapal lamang na 5-7 km. At ang mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya likido at natutunaw ang ilang bahagi nito.

                             Ang daigdig ay kulay asul kung ito ay ating susuriin, sapagkat 3/4 ang kabuuang bahagi ng tubig na bumubuo sa daigdig . Samantala 1/4 lamang ang bahagi ng kalupaan na mayroon ang daigdig, at ito ay napapalibutan ng napakalawak na katubigan.At ayon sa pahina 17 ng aklat na may pamagat na KASAYSAYANG DAIGDIG,2014 , umaabot lamang ng 148 258 000 km krd(29.1%) (km2) ang lawak ng kalupaan dito sa daigdig samantala ang lawak ng karagatan ay umaabot sa 335 258 000 km kwd (km2), at ang pangkalahatang lawak ng katubigan ay binubuo ng 361 419 00 km kwd (70.9%) km2. At ang uri ng tubig na mayroon ang daigdig ay 97% ang maalat at 3% ang tubig tabang.

                              Ito rin ang binubuo ng mga kontenente sa kasalukuyan ang daigdig ay binubuo ng pitong kontenente; Africa, Antartica, Asya , Europe, North America at South America at Australia.Ang kontenente ay binubuo ng mga bansa. Ayon kay Alfred Wegener, isang german na nagsulong ng Contrenental Drift Theory, dati nang magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na PANGAEA.Dahil sa paggalaw ng malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan, nakahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.(pahina 22:KASAYSAYAN NG DAIGDIG,2014)

                               Ang daigdig ay tinatayang may 4.6 bilyong taon. Sa paglipas ng panahon marami ang mga pagbabagong nagaganap sa mundong ito, isa na dito ang pagbabago ng posisyon ng mga kontinente. At ayon sa impormasyon na matatagpuan sa pahina 16 ng aklat na may pmagat na kasaysayan ng daigdig ay napakabagal ang paggalaw ng mga plate nasa katunayan , umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Sa daigdig dito tayo nabubuhay at marami itong naitutulong na hindi natin napapansin. Ngunit sa pagdating ng mga panahon ano kaya ang magiging kalagayan ng ating daigdig?

-Isinulat ni Cheska Diaz-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento