Ang bansang Pilipinas ay maituturing na mapalad sapagkat binigyan at pinagkalooban ito ng malikhain at masaganang lupain. Ang bansang Pilipinas ay isang bansang agrikultural at nangangahulugan ito na higit sa walumpong bahagdan ng pilipino ay ang ikinakabuhay at umaasa sa pagsasaka.
Bigas ang maituturing na pangunahing pagkain ng mga tao. at hindi lang bigas nandyan rin ang mais na ipinanghahalili bilang pangunahing pagkain kasi ito rin ay katumbas ng bigas. Ang Bisayas, Cagayan at Mindanao ang mga pangunahing tagaprodyus ng mais. Ang mga kapatagan naman ay itinuturing namang kaban ng bigas ng pilipinas dahil dito nagmumula ang pinakamaramit pinakamalaking ani ng bigas sa buong bansa.
Ngunit maliban rin sa bigas at mais, marami ring tanim na puno tulad ng niyog, manga at iba pa. Ito rin ang dahilan kung bakit kasama tayo sa mga nangunguna sa pagluluwas ng kopra at langis. Hindi lang rin pangbaybayin ang yaman ng pinas mayaman rin ang pilipinas sa mga anyong tubig at sa mga yamang tubig tulad ng Spratley Island na ngayon ay pinagaawayan ng dalawang bansa dahil sa tanging yaman meron ito. Kabilang din ang Palawan sa mga magagandang tanawin meron ito at kabilang ito sa "8 Wonders of the World"dahil naman tlga sa gandang taglay nito na kaakit akit sa paningin.
Talagang maituturing ang pilipinas na mayaman sa mga tanawin dahil sa mga sari-saring tanawing matatagpuan dito. Tulad na lamang ng kilalangkilala na tanawin na "Mayon Volcano" na matatagpuan sa Albay, Bicol kilala ito sa kanyang angking ganda at hugis na kung tawagin ay "Perfect Cone". Dahil sa angking ganda nito hindi maitatagong naging sikat itong "Tourist Attraction". Isa rin sa mga magagandang tanawing matatagpuan dito sa pilipinas ay ang "Banaue Rice Terraces" dahil sa kamanghamangha nitong istraktura na naging dahilan kung bakit napabilang ito dati sa 8 Wonders of the World. Ito lamang ay mga bahagi ng mga kamanghamanghang tanawin dito sa pilipinas.
Dahil rin sa taglay na yaman ng pilipinas sa mga produkto. Tayo ay nakakapag transaksyon na rin ng mga produkto sa ibang bansa. Kabilang din sa mga iniluluwas ang mga produktong tulad ng asukal, abaka, tabako, at mga prutas tulad ng saging, manga, pinya at ibat-ibang klase ng prutas. At dahil sa produktong iniluluwas na unti-unting nagiging katulong natin sa ating paghahanap buhay. Kaya kung ating hihimayhimayin hindi bat maituturing din natin na mayaman ang ating bansa?. Dahil sa mga sari-saring produkto na ating ginagawa at napapakinabangan ng ibang bansa at higit sa lahat tayong lahat ay nakikinabang rin dito. Kaya dapat ay ipagpasalamat natin ito sa ating mahal na Diyos. Dahil sa mga biyayang natangap natin at ating pinagkukunan ng kabuhayan at pang araw-araw nating pagkain.
~Isinulat ni Mikko D. Abanes~
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento