Biyernes, Nobyembre 18, 2016

EBOLUSYON NG TAO


Noong 1859, ipinahayag ni Charles Darwin sa kanyang aklat na On the Origin of Speciesang pagtalakay sa teorya ng ebolusyon. Ayon sa teorya ng ebolusyon, unti-unting nagbabago ng katangiang pisikal ng isang nilalang dulot ng proseso ng natural selection. Ayon kay Darwin, ang natural selection ay ang proseso kung saan ang mga nilalang na may katangiang makibagay sa kanyang kapaligiran ang tanging mabubuhay at makakapagparami.

Nagsimula kay Carolus Linnaeus ang atheistic materialism o teoryang atheistic ang isang teorya ng pinagmulan ng tao na kung saan sinasabi niya noong 1760 na maaring may isang pinagmulan ang mga buhay na organismo. Naisip niya ito habang pinag papangkat niya ang mga organismo. Sinusugan ito ni Comte De Georges Buffon at ipinanukala niya na ang pagkakaiba-iba ng mga organismo ay dahil sa kanilang kapaligiran na kanilang pinanahanan. inilimbag naman ni Jean Baptiste Lamarck ang unang teorya ng ebolusyon subalit hindi sapat ang ibinigay nitong impormasyon hanggang sa nagpalabas ng impomasyon sina Charles Darwin at A.R. Wallace noong 1858. Ayon kay Darwin ang pagsisikap na mabuhay ang paliwanag sa ebolusyon.  Sa bawat uri, naniniwala siya na may mga tao na ipinanganganak na naiiba sa karamihan. Ang mga taong may mabuting paggamit sa kapaligiran ay nabubuhay at nakapagpaparami ng mga supling na katulad nila. Ayon sa kanya “nagmula ang tao sa hindi gaanong mataas na organisadong anyo, at ang lahat ng mataas na anyo ng buhay ay nanggaling sa maliit na ‘isdang’ kapareho ng mga hayop”.

Ayon sa Banal na Bibliya, lahat ng lalaki at babae ay nagmula sa unang lalaki na si Adan at sa unang babae na si Eba. Pagkatapos ng malakas na pagbaha, si Noe at ang kanyang tatlong anak ay namuhay muli sa kapatagan. Ang anak ni Noe na sina – Shem, Ham at Japhet – ay nagkaroon ng mga anak pagkatapos ng baha. Ang bunsong anak ni Japhet na pinangalanang Javan (Genesis 10:1-4) ang pinagmulan ng apat na apo ni Noe na sina – Elishah, Tharsis, Kittim at Rodanim. Ayon sa Bibliya, sa mga taong nanggaling sa arko nagmula ang mga tao na siyang kumalat at nanirahan sa kani-kanilang teritoryo at pamayanan at nagkaroon ang mga ito ng kani-kanilang wika. Ayon kay Padre Francisco Collins, SJ, isang manunulat ng kasaysayan, ang mga unang tao sa ating bayan ay si Tharsis, na anak ni Javan at apo sa tuhod ni Noe, kasama ng kanyang mga kapatid at kaanak. Sa pagdaan ng mga panahon, ang mga lahi nila ay nanirahan sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig na ating tinaguriang Asya, at ang mga isla ng Pilipinas.
           
Hindi naniniwala ang mga siyentipiko sa kwento tungkol sa paglikha ng Diyos sa tao ayon sa Bibliya. Sa halip, umimbento sila ng teorya tungkol sa ebolusyon ng tao. Nakasaad dito na ang mga unang tao ay nanggaling sa parang-bakulaw (ape-like) na nilalang na lumalakad sa mundo libu-libong taon na ang nakararaan. Karamihan sa mga nag-aaral ay pinag-aaralan lamang ang teorya ng ebolusyon at tinangging paniwalaan ang kwento ng Bibliya.

Ang ibang kwento tungkol sa pinagmulan ng mga unang Pilipino ay galing sa mga siyentipikong nag-aral ng mga nakalipas na panahon. Mga “Arkyologo” ang tawag sa mga ganitong siyentipiko. Pinag-aaralan nila ang matatandang labi (relics) tulad ng buto, tapayan, paso at mga antigong alahas. Ang mga ito ay nahukay sa mga pook ng mga lumang libingan, mga tahanan o pamayanan noong unang panahon.

Ayon sa teorya ng ebolusyon ang unang Pilipino o ang “Taong Tabon” ay nangangaso ng mababangis na hayop gamit ang mga makalumang sandata na yari sa bato na karaniwa’y matutulis. Ang iba naman ay karaniwang mga kagamitang bato na kanilang ginagamit sa pagtatahi ng mga damit o paghahanda ng kanilang mga pagkain. Hindi sila marunong magsaka at mag-alaga ng hayop. Karaniwan, ang mga ito ay pandak, may makakapal na kilay at makitid na noo.

Ang mga unang Pilipino ay nakatira sa isang malupit na kapaligiran. Walang tigil ang pakikipagsapalaran ng mga tao doon upang mabuhay. Ang kanilang panahon ay nauubos sa paghahanap ng pagkain. Maraming katulad ng Taong Tabon ang nakatira sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Sa ibang bahagi, sila’y tinaguriang “Taong Java”, “Taong Beijing” o iba pa. Ang mabuhay para sa kanila ay mahirap.


Mula sa Kasaysayan ng Kabihasnan. Sulat nina Sally F. Rodeo at Delia S. San Andres.


Tekstong Impormatibo~ Sulat ni Christine Rica Sernias

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento