Ang Kulturang Pilipino ay napaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at kung saan tayo ay nakakuha rin ng tradisyon sa nanakop sa atin noong panahon o dahil narin sa pangangalakal nila.
Ang tradisyon o kaugalian ay ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa kanilang mga anak. Ang mga Pilipino ay mahilig sumunod sa mga nakagawian nila o kung anu man ang mga paniniwala ng kanilang mga magulang na naisalin sakanila. At ang mga Pilipino ay mahilig maniwala sa mga pamahiin. At ang mga halimbawa ng mga tradisyon ay ang piyestahan, mahal na araw, mamanhikan, harana, simbang gabi, flores de mayo at iba pa.
Isa pa ay ang madalas na mga kaugalian ng mga Pilipino ay ang pag mamano, pag sasabi ng “po” at “opo” at mag pakumbaba dahil diyan lamang maipapakita ng isang Pilipino ang respeto na ipinapakita niya sa ibang Pilipino o mas mga nakakatanda pa. madalas na paniniwala natin sa mga iba’t ibang sitwasyon. Tulad ng sa kusina, Bawal kumanta sa harap ng kalan, Bawal kumanta sa hapag-kainan, Bawal paglaruan ang apoy, Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon. At sa kasal naman, Bawal isukat ang damit pangkasal, Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal, Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan, Kapag umulan sa araw ng kasal. At iba pang pamahiin, Bawal maggupit ng kuko sa gabi, Paggsing ng alas tres ng madaling araw. At marami pang iba. Wala na tayong magagawa kung hindi ay sunurin na lamang ito dahil ito ang ipinamana o nakagawain na isinalin sa atin ng ating mga magulang. Ito ay naaayon kina Bernadette Aguilar, Krista de leon at Nicole Melo. At dahil sa mga iba’t ibang mga tradisyon natin ay naituringan ang Pilipinas na isang napakagandang lugar.
Meron rin ang mga Pilipinong isang samahan ng mga kapaitbahay kung kailang at kung saan nangangailangan ng tulong ang ilang kapitbahay o mga Pilipino. At tawag sa tradisyon na iyon ay Bayanihan. At kahit na sinu pa ang ang nandiyan kahit na driver, tambay o kung anu pa, ay lagi silang tutuong para sa kanilang mga kababayan na nangaingailangan ng tulong dahil alam din naman nila na kung sila naman ay nangangailan ng tulong ay tutulungan din sila.
Ang bansang pilipinas ay marami ring pinaghahandaang pagdiriwang tulad ng bagong taon, simbang gabi, araw ng mga patay, araw ng mga puso, araw ng rebolusyong edsa, araw ng kalayaan at marami pang iba.
Ang bansang pilipinas ay isang magandang bansa dahil sa mga tradisyon, kultura, pag uugali at sa mga iba’t ibang mga pagdiriwang ng iba’t ibang okasyon. Isa sa mga nagagandahan ng mga turista ay ang piyestahan kung saan marami tayong mga activities na ginagawa tulad ng sayawan, paligsahan, mga makukulay na parade at iba pa. ito ay naayon kay Bee Huang noong November 4, 2013.
Maraming tradisyon at kaugalian ang mga Pilipino na ipinamana ng mga magulang sa kanilang mga anak. At ang mga Pilipino ay mahilig sa mga ganitong paniniwala kung saan lahat na Pilipino ay nag kakaisa at dahil din dito, ito ang nag sisimbolo ng pagka Pilipino ng isang Pilipino. Kung kaya’t hanggang ngayon ay ginagawa parin natin ito at balang araw ay ipapamana natin ito sa magiging mga anak natin.
-Isinulat ni Adrian Lim-
Pinagkunan:
http://asulpuladilaw.blogspot.com/2013/09/kulturang-pilipino.html
http://ang-kulturang-pilipino.blogspot.com/2013/09/mga-tradisyon-o-kaugalian-ng-mga.html (semptember 14, 2013)
http://lyssacalilanpascal.weebly.com/kultura.html
https://prezi.com/n5jhv-ypbrol/mga-kultura-at-tradition-ng-mga-pilipino/
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin