Ang musika ay tunog na kinakanta
gamit ng boses o tinugtog gamit ang mga instrumento. Ito ay pwedeng sulat o mga
simbolo na nagpapalabas kung paano ang musika ay gamitin. Ang musika ay isang
uri ng sining na kailangang gumamit ng tunog, karaniwan nito ay kanta,
tinuturing itong pinakamaliit na gawang musika, lalo na kung mayroon itong
kasamang pag-awit. Ang mga karaniwang sangkap ng musika ay pitch na gumagabay
sa tono, melodiya at harmonya. Isa pang sangkap ay ang ritmo at ang kaugnay
nitong tempo, metro, at artikulasyon. Ang panghuli ay ang dynamics at ang lahat
ng ibang uri ng katangian, timbre, at tekstura.
Iba-iba depende sa kultura at
panlipunang konteksto ang paglikha, pagganap, kabuluhan, at pati na rin ang
kahulugan ng musika. Ang mga kasama nito ay mula sa komposisyon na organisado
at ang panglibang na pagganap nito, sa pamamagitan ng binagong musika, hanggang
sa porma nitong aleatoric.
Ang musika ay may iba-ibang klase.
Nalalaman ito sa pamamagitan ng genre at subgenre. Ang mga dibosyon at relasyon
sa mga kategorya ng musika ay kadalasang pino, minsan bukas ito sa pangsariling
pagkaunawa, at minsan kontrobersyal. Sa sining, ang musika ay itinatanghal.
Pwede ring tugtugin ang musika at marinig ng pangkasalukuyan. Pwede rin itong
maging bahagi ng iba't-ibang dulaan o pelikula, at maaari din irecord.
Sa dami ng tao sa ibat-ibang
kultura,sa Pilipinas bahagi ito ng pamumuhay ng mga tao.Para naman sa mga sinaunang
Griyego at pilosopong Indiano, ang musika ay mga tono na nakaayos pahalang at
patayo na harmoniya.Mga pangkaraniwan na kasabihan ay nasasabi na ang musika ay
kadalasang nakaayos at magandang pakinggan.
Ang musika ngayon ay malaki ang
naiaambag sa bawat kultura ng iba-ibang klase ng tao.Nakakatulong ito kadalasan
bilang trabaho, negosyo,o ginagawang instrumento ng mga tao bilang komunikasyon.Ang
musika ay napakahalaga lalo na sa ating mga Pilipino.Kailangan natin itong mas lalong
payabongin at pahalagahan
Sanggunian:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Tugtugin?_e_pi_=1%2CPAGE_ID10%2C7386787811
isinulat ni:
Emmanuel Collantes
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento