Ang pagkahapo
o stress ay hindi na bago sa buhay ng tao dahil ang stress ay nararanasan ng
karaniwang tao sa bawat araw. Ito ay maaaring pagdaanan sa iba’t ibang paraan.
Kapag ang stress ay naging mabigat at nagsimulang maapektuhan ang pisikal o
mental na tungkulin ng tao, ito ay nagiging isa nang problema.
Ang stress ay isang normal na pisikal na tugon sa mga pangyayari na maaaring
magbigay ng pakiramdam ng pagkakabahala. Kapag naramdaman ng isang tao ang
panganib, totoo man o kathang isip lang, ang katawan ay mabilis na dumidipensa.
Ang tawag dito ay stress response.
Ang stress response ay ang paraan ng katawan upang
depensahan ang tao. Kapag ito ay normal na gumagana, tinutulungan nito ang tao
na maging alerto, masigla, at maagap. Sa panahon ng emergency o
mahigpit na pangangailangan, ang stress response ang nagbibigay ng
dagdag na lakas upang ipagtanggol ang sarili.
Ang mga taong kulang sa timbang at hindi nakakakain ng tama, kulang sa tulog o
hindi maganda ang pisikal na kalusugan ay mas nahihirapan na harapin at
solusyunan ang mga pangaraw-araw na stres sa buhay. Ang taong mayroong sapat na
suporta mula sa ibang tao ay mas nakakaranas ng kaunting stress at mayroon mas
malusog na mental na kapasidad kumpara sa ibang tao na kulang ang nakukuhang
suporta.
Iba naman ang stress sa depresyon dahil ang depresyon ay isang karaniwang sakit
sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ang isang tao ng labis na kalungkutan. Ito
ay namamana o kaya’y sanhi ng mga pagbabago sa utak at hormones, problema sa
neurotransmitters (mga kemikal na naghahatid ng signal mula sa katawan papunta
sa utak), mga pangyayari sa buhay, stress, at trauma. Ito’y maaaring
pangmatagalan o pabalik-balik.
Sa pagsusuri ng stress ay kinakailangan na kunin ng doktor ang kasaysayang
medikal ng pasyente at magsagawa ng pisikal na eksaminasyon upang mahanap ang
medikal na problema na nagdudulot ng mga sintomas ng pasyente. Maghahanap ang
doktor ng underlying stress na maaaring maging isa sa mga dahilan ng
sintomas ng stress. Ang mga pagsusuring tulad ng ECG ay maaaring kailanganin
upang matangal ang nasa ilalim na pisikal na sanhi ng mga sintomas.
Para hindi ka masagad ng stress, puwede mong bawasan ang mga responsibilidad mo
o kaya’y patibayin ang iyong “makina.” Ang minsa’y hamon sa isang tao na nauuwi
sa stress ay ang pagpapaliban. Na kung saan kapag marami ka nang pinoproblema
ay iniiwasan mo na ito at minsa’y iniiwan at ipinagwawalang bahala mo na. Ang
isa sa mga maaaring solusyon dito ay simulan mo agad kahit hindi mo matapos.
“Huwag magmakupad sa inyong gawain,” ang payo ng Bibliya. (Roma 12:11)
Kung mabigat na ngang gawin ang isang mahirap na trabaho, at pinatatagal mo pa,
lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo. Makatutulong kung may listahan ka ng
mga gagawin mo. Hati-hatiin ang mabibigat na gawain ayon sa kaya mo. Ang
pagliista ng iyong mga gawain ay makakatuong rin.
Mga sanggunian:
Mga dapat
Malaman Tungkol sa Depresyon sa mga Bata at Teens ni Loralaine R. - FNA Rome
Epektong Sikolohikal Ng Stress Sa Mga
Magaaral ni Jeanne Bondoc
Isinulat ni:
John Linarson Z. Napoles
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento