Ang bagong taon ay napaka importanteng okasyon sa mga Pilipino, dito naipapahiwatig ang kasiyahan, pagpapasalamat sa isa't isa at ang pagmamahalan. Ngunit may mga Pilipino na hindi nakapagdiriwang ng bagong taon sa pamamaraan ng isang Pilipino dahil nasa ibang bansa sila at hindi kapiling ang kanilang pamilya. Iba rin naman talaga ang maging isang Pilipino dahil mas napapahalagahan nito ang pagdiriwang ng bagong taon. Tinuturing na kasi ang bagong taon bilang isang tradisyon sa Pilipinas, at ang tradisyong ito ay dito lamang mararanasan.
Ang malaking pinagkaiba ng bagong taon sa Pilipinas sa ibang bansa ay mayroon itong mga sinusunod na paniniwala. Ang mga paniniwalang ito ay ang pagnaglagay ka ng pera sa iyong bulsa ay mabilis na darami o lalago. Mas mainam rin kung malinis ang bahay. Sinasabi rin na uulanin ng swerte ang bahay pag may nakahandang labindalawang prutas na bilog sa hapag-kainan. Inererekumenda rin ng matatanda na maghanda ng mainit na tsokolate, hiniwang tinapay, hotdog at spaghetti, pork o chicken barbecue, lumpiang shanghai, pansit, kesong bilog, menudo at afritada pag medya noche upang malusog ang buong pamilya sa buong taon.
Pagsapit ng bagong taon, sa ganap na alas dose ng hatinggabi, kailangan raw buksan lahat ng pinto, bintana at ilaw upang ang swerte ay lumapit at pumasok sa tahanan (paniniwala ng matatanda). Ang pagtalon rin daw ng sunud-sunod o paulit-ulit ay makakatulong sa pagtangkad. Kailangan ring lumikha ng ingay gamit ang kaldero at kawali, pagpapailaw ng mga kuwitis na may kasamang pag-iingat upang maitaboy ang malas. Mainam kung mayroong karaoke, bote ng alak at pulutan upang makapag-inuman ngunit katamtaman lamang ang kailangan upang tuloy-tuloy ang saya kasama ang pamilya. Salu-salong kainnan ang medya noche at pagsaluhan ang biyaya ng Panginoon ngunit huwag makalimot na magpasalamat at humingi ng tawad sa Kanya.
Sa unang araw ng Enero at ng taon, sama-samang namamasyal, nagkakatuwaan at nakikipag-bonding sa pamilya. Simulan ang taon na magkasama-sama ang buong pamilya upang hindi magkahiwa-hiwalay sa pagdating ng panahon. Sa paraang ito mananatiling isa ang pamilya at kayang harapin ang kahit na anong trahedya o hamon ng buhay. Mainam rin kung kasama ang mga malalapit na kaibigan, panahon rin ito ng pasasalamt sa Panginoo at pamamahagi ng mga biyaya, pagkalinga at pag-ibig.
Ating gamitin ang panahong ito upang humingi ng tawad sa mga nasaktan o naka-away natin. Makakabuting simulan ang taon na walang kaaway o sama ng loob. Para ito sa ikabubuti ng lahat kaya kalimutan na ang mga isyu noong nakaraang taon dahil ito ay iniwan na natin.
-Isinulat ni Kean Reid Enciso-
www.google.com/pagsalubong sa bagong taon
Sanggunian:
> Kabayan Central
> Pinoy Blog
> Orang in a Pod
(Hinango noong Disyembre 22, 2008)
Yieee! Tapos naman daa siya HAHAHA!
TumugonBurahin