Lunes, Nobyembre 21, 2016

Stress o Tensiyon

     Ang stress ay isang sitwasyon na nagdudulot ng pagkabahala at iba pang negatibong pakiramdam. Ito'y isang normal na reaksyon o pakiramdam na bunga ng pang-araw-araw na suliranin na kinakaharap ng bawat tao. Ito'y nakaaapekto sa pisikal at sikolohikal gayundin ang emosyonal na aspeto ng tao.

     Ayon sa healthwikipilipinas.org, ang stress ay maaaring isang sanhi ng pagkukulang sa suporta, problemang pinansyal, pampamilya, trabaho at kakulangan sa oras at atensyon. Maaari ring ito'y dahil sa pagkakaroon ng mababang sahod, kawalan ng trabaho, bahay at pamilya, away sa loob at labas ng bahay, pagkakasakit, aksidente, biktima ng karahasan, pang-aabuso, droga at alak. Ito rin ay maaaring magmula sa iba pang paktors tulad ng kultura, klima, relihiyon, lahi at iba pa.

    Ilan sa masasamang epekto ng stress ay ang pananakit ng ulo at kalamnan, paninikip ng dibdib, hirap sa pagtulog, pagkabalisa, kawalan ng pokus sa lipunan at kng malala ay kamatayan, hango sa kalusugan.ph.

    Gayunman ang pangmatagalang stress ay maaari ding magdulot ng di lamang simpleng pananakit ng ulo bagkus pati na rin ng mga kumplikadong sakit tulad ng sakit sa puso, hika, obesidad, diabetes, alzheimer, madaliang pagtanda at premature death. Ayon kay Winner, naaapektuhan din ng pagkakaroon ng stress ang kondisyon sa tiyan. Maaari itong magresulta sa chronic heartburn. Maaari rin itong magdulot ng pagbara sa bloodstream dahilan sa labis na cortisol at adrenaline hormones.

     Ayon sa akoaypilipino, maraming hakbangin ang maaaring gawin upang maiwasan at mabawasan ang tensiyon o stress. Ilan rito ay ang pananatiling positibo, pagmumuni-muni, pagtawa, pag-awit, pagsasaayos ng schedule, pagpapatawad, pagdarasal, pag-eehersisyo, pagkain ng tama, pagrerelax at pagpapahinga paminsan-minsan (Marso 16, 2016)

     Isang malaking suliranin ang stress sa lipunan gayunpa't sentro ng problemang ito ay mga kabataan, propesyunal at mga taong may malaking responsibilidad sa pamilya at lipunan. Importanteng malaman na ang pangangalaga sa sarili at pag-iwas sa stressors ay importante dahil hindi lamang pisikal na sakit ang nakasasama pati na rin ang mga popular na sikolohikal na sakit tulad ng stress.


Mga Sanggunian:
*akoaypilipino(16march2016)
*kalusugan.ph
*http://www.remate.ph/2012/03/10-suliranin-sa-kalusugan-na-may-kaugnayan-sa-stress/
*stress.medicinenet.(hinango noong 16 hunyo 2011)
*stress.emidencehealth. (hinango noong 16 hunyo 2011)
*stress.kidsHealth.(hinango noong 16 hunyo 2011)
*http://health.wikipilipinas.org/index.php/stress



Tekstong Impormatibo ni
Kristina Marie R. Bermejo

1 komento: