Ang enerhiya o energy ay ang abilidad na maging aktibo, na siyang nagpapagalaw para makagawa ng mga bagay (Merriam-Webster Dictionary). Mayroong iba't ibang klaseng pinagkukunan ng enerhiya ang Pilipinas. Kabilang sa mga ito ang solar energy, hydroelectric power, geothermal energy at fossil fuels.
Ang init na nakukuha mula sa araw ay tinatawag na Solar Energy. Ginagamitan ito ng solar panel, na kumukuha ng init sa araw, na nagiging enerhiya. Marami ng ganito sa Pilipinas at sa katunayan dito rin matatagpuan ang pinakamalaking solar farm-- ang Catalagan Solar Farm. Ayon Kay Doris Dumiao-Abadilla, March 1, 2016, ang solar farm na ito at mayroong 200,000 panels na nagsusuplay ng 63.3 megawatts na kuryente sa Batangas. Ang Pilipinas at malapit sa gitnang bahagi ng mundo, kaya mainit ang klima at mas marami ang ating makukuhang enerhiya mula sa araw. Sa kadahilanang ito, ang Department Of Energy(DOE) at nagpaplanong magtayo pa ng Solar Panel Plantation sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Maliban sa init ng araw, nakakakuha rin tayo ng enerhiya mula sa hangin. Ginagamitan naman ito ng mga turbine. Sa Pilipinas mayroon ng ganito sa Burgos, Ilocos Norte, na pagmamay-ari ng Energy Development Corp.(EDC). Sa 600 hektaryang lupain, nakatayo ang limang-pung turbines na nagsusuplay sa 370 gigawatt-hours ng kuryente sa mahigit dalawang milyong bahay. Ang paraang ito at nakakabawas rin ng mga polusyon sa hangin kaya naman dumarami na ang mga ganitong turbines sa Pilipinas (climate-journal.asia, March 13, 2015).
Ayon kay Rudolph T. Birsia, 1980 sa kanyang artikulo "The Philippines Geothermal Success Story," ang Pilipinas at NASA seismic area, sa kadahilanang kabilang ito sa Pacific Ring Of Fire. Kaya naman malaki ang aging makukuhang enerhiya mula sa ilalim ng lupa at tinatawag naman itong Geothermal Energy. Sa katunayan, ang Pilipinas ay pumapangalawa sa pinakamataas na prodyuser ng geothermal energy ayon sa International Geothermal Association(IGA). Marami ng ganitong plantation sa Pilipinas, katulad na lang sa Tiwi, Leyte, Negros at Mindanao na nakasuplay ng 27% ng kuryente sa bansa.
Ang Pilipinas ay isang kapuluan kaya naman malaki ang suplay ng tubig sa bansa. Ayon sa World Resource Institute-Earth Trends: Energy and Resources Of The Philippines, 2006. Ang aging bansa ay nagproprodyus ng 2,900 megawatts ng kuryente. At ang kabuuang konsumo ng kuryente sa banda, at labing-siyam na porsyento rito ay mula sa hydroelectric power.
Lahat ng tao, hayop at establisyemento man, ay kailangan ng enerhiya para makagalaw. Ngunit ang ating enerhiya ay limitado lamang dahil limitado rin ang aging pinagkukunan nito. Kaya matuti tayong magpahalaga at magkonserba ng enerhiya.
-Isinulat ni Bianca Louise Bea-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento