Linggo, Nobyembre 20, 2016


Debut

Bukod sa pasko, isa sa pinakaaabangang selebrasyon ng taon ay ang kaarawan. Ito ay isang pagdiriwang na isinasagawa bilang pasasalamat sa mga nagdaang taon na itinagal natin sa mundo mula nang maisilang tayo. Bukod pa dito, ito rin ay opurtunidad sa mga pamilya upang sama-samang makapagsalo, at gumawa ng panibagong alaala. Ang kaarawan ay taon-taon na pinagdiriwang, taon-taon din tayong tumatanda. Ngunit bakit ba ikinokonsiderang espesyal ng mga nakararami ika-18 nakaarawan o “debut?”
Maraming kultura maging sa ibang bansa na kinikilala ang ika-18 na kaarawan bilang “the coming of age of experience.” Ito ay ang edad na kung saan maaari ka nang magdesisyon para sa iyong sarili. Uminom ng alak, dumalo sa iba’t ibang pagsasalo at maging makapagsarili. Kung kaya marami ang umaasam na sa wakas ay dumating na ang panahon na ito.
Ang “debut” ay nagmula sa salitang Pranses na “de” at “but” na ang ibig sabihin ay “mark” at “goal.” Sinasabi ni Carlo, J. (2014) na orihinal na ginaganap ang debut upang pormal na maipakilala ang dilag sa publiko. Ito ay karaniwang pormal na ginaganap para makapag akit ng mga manliligaw mula sa mayayamang angkan. Sa panahon naman ngayon, marami parin ang sumasagawa ng pagdiriwang na ito ngunit taliwas sa trdisyon noon, binibigyan na ngayon ng kalayaan ang mga dilag na makapagpili ng kanyang mapapangasawa.
Ang isang tipikal na debut ay ay ginaganap upang makapagsaya at maghatid ng saya. Ito ay isang “once in a lifetime experience” kung kaya ito ay pinaghahandaang mabuti, lalo na ng mga dilag dahil ito ang pagkakataong maaari nilang maranasang minsan ay maging prinsesa.
Ito ay karaniwang isinasagawan ng seremonya. Umpisa sa highlight ng selebransyon, ang engranteng pagpasok ng debutante suot ang kanyang eleganteng gown. Sa pagdiriwang na ito hindi dapat mawala ang prominanteng parte, ang pagtatanghal ng cotillion na mayroong siyam na pares ng mga mananayaw. Ang bawat miyembro nito ang gagabay sa debutante sa kanyang pagtahak sa panibagong kabanata ng kaniyang buhay bilang isang ganap na dalaga.
Para sa nakararaming babae, ang 18 roses naman ang highlight ng okasyong ito na karaniwang kinabibilangan ng mga naggwagwapuhang maginoo. Ito ay ngrerepresenta ng kahandaan ng babae sa romansa, na siyang orihinal na pakay ng pagsasagawa ng debut. Ang unang rossas ay karaniwang binibigay ng ama, kasunod ng ibang lalakeng miyembro ng pamilya. Ang natitirang miyembro ng 18 roses ay ang grupo naman ng mga kaibigan ng debutante. Ang napiling ikalawa sa huli o huling magbibigay ng rosas ay ang kanyang iniibig.
Mula sa aspeto ng romansa patungo sa pagtuon ng babae bilang indepenteng miyembro ng lipunan. Ang pagpasok ng 18 candles. Dito naman nabibilang ang mga importanteng tao na nagsilbing gabay niya sa buhay. Ang kanyang mga guro, kaibigan at iba pang malalapit sa kanya. Kung sa 18 roses mga lalake, ito naman ay kinabibilangan ng mga babae. Sila ay maghahandog ng mga mensahe, payo at mga hangad para sa debutante. Pagkatapos nito ay isa-isa nilang sisindihan ang kanilang kandila na magsisilbing gabay at liwanag ng debutante sa pagtahak ng daan patungo sa hinaharap at pagtupad ng kanyang mga hinahangad. Pagkatapos nito ay ilalagay na ito sa keyk at saka iihipan.
At ang huli ay ang 18 treasure. Dito naman napapabilang ang mga kaibigan at pamilya ng debutante na siyang magisisilbing gabay tungo sa maunlad na kinabukasan. Sila ay magbibigay ng kani-kaniyang mga regalo at ipapaliwanag kung pano ito magbibigay insiparasyon sa kanya at siya na ring nagsasabi kung gaano nito kilala ang isa’t isa.
Ang debut ay minsan lamang kung mangyari sa buhay ng isang tao kung kaya ito ay hindi lamang isang ordinaryo o tipikal na klase ng kaarawan. Ito ay pagdiriwang ng pagpasok ng isang teenager sa panibagong kabanata ng kanyang buhay.
 
Mga Sanggunian:

Carlo, J. 2014. Turning 18 and Loving It: Understanding that Symbols of Debut Celebrations. Mula sa http://www.debutbyjuancarlo.com.ph/turning-18-loving-understanding-symbols-debut-celebrations/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento