Lunes, Nobyembre 21, 2016

Kalabaw

               Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang kalabaw dahil likas ito sa ating bansa at karaniwan itong alaga ng mga Filipino.Madalas itong iniuugnay sa mga mambubukid dahil ito ang kadalasang napiling hayop para sa pag-aararo at pagtutulak ng kariton na ginagamit ng mga mambubukid upang dalhin ang kanilang mga ani mula sa bukid patungo sa pamilihan.

               Ang kalabaw o (bubalus bubalis carabanesis o minsan bubalus carabanesis) ay isang uri ng kalabaw na pantubig o water buffalo na karaniwang natatagpuan sa Pilipinas,Guam, at pati sa ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya.

               Karaniwang nabubuhay ang mga kalabaw ng 18 hanggang 20 taon at maaaring umabot ang timbang nila sa walong-daang kilo sa kanilang pagtanda.Karaniwang itim ang kulay ng kanilang balat na nakapalibot sa buo nilang katawan habang ang kanilang ulo at ang dulo ng kanilang buntot ay mabuhok.Parehong may sungay ang babae at lalaking kalabaw.

               Kadalasang nagpapalamig sa mga putikan ang mga kalabaw dahil wala silang sweat glands.Nakabubuti ito sa kanilang kalusugan dahil hindi lang sila nakapagpapalamig,nagiging proteksyon din nila ito laban sa mga halamang ligaw.Tuwing umaga kumakain ang mga kalabaw.

               Sa kasalukuyan marami nang mga makinarya na ginagamit ng mga tao para ihalili sa kalabaw.Subalit mayroon pa ring mga magsasaka na gumagamit ng kalabaw sa kanilang pagsasaka.

Mga Sanggunian:
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/kalabaw?_e_pi_=7%2CPAGE_ID10%2C9898973725
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Kalabaw

isinulat ni: Raymondfred V. Salac

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento