Laganap na krimen at korapsyon ang ilan sa mga sakit ng Pilipinas, dahil sa mga ito nabulag tayo sa katotohanan na droga ang pinagmulan ng lahat. Itinuturing na ipinagbabawal na gamot ang droga ngunit sa kabila ng lahat na ito patuloy pa rin sa paggamit ang mga Pinoy.Kahit mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit nito, lumaki pa rin ang industriya ng nasabing bawal na gamot sa ating bansa. Ang pagsimula ng pagtikim ng droga ay siya na rin ang hudyat ng adiksyon.
Walang duda ang adiksyon ng mga Pilipino sa droga dahil sa talamak na krimen na nagaganap sa ating bansa. Ang palabas na S.O.C.O sa tuwing sabado at ang iba pang istasyon ang makapagpapatunay na nito. Isang batang babae, dalaga o matanda man ay nagahasa at ang karaniwang dahilan ng mga suspek ay hindi nila alam ang ginagawa nila dahil lulong sila sa droga. May mga pagkakataon naman na ang ama mismo ang gumagahasa sa kanyang anak dahil sa paggamit ng droga. Isang balita rin sa TV Patrol ang nagnakaw ng aking atensyon, ito ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng mga konstraksyon worker habang nagpapahinga sa trabaho. Iisa lamang ang kanilang dahilan sa tuwing sila ay isasailalim sa imbestigasyon, hindi nila alam ang kanilang ginagawa.
Sa patagong pagpuslit sa iba't ibang paliparan at dungan sa bansa, mas matagumpay na naibebenta ang mga ito ng mga parokyano sa mga mayayaman at kahit na sa mga mahihirap. Para sa mga nasa matataas na antas ay gamot raw ito sa kanilang mga sakit ngunit nagsilbi itong negosyo at pampalipas gutom ng mga mahihirap. Sa malaking paghahangad na umasenso ay kumapit sila sa maling pamamaraan (Tina Panganiban-Perez).
Ayon sa Dangerous Drugs Board, ang paggamit ng droga ay sakit na raw ng mga Pilipino dahil sa laki ng bilang ng mga gumagamit nito. Ngunit sa pagpasok ng administrasyong Duterte, umusbong ang malaking pagbabago sa Pilipinas. Ang kampanya kontra droga ay ang siyang pangunahing pinagtuunan ng pansin ng nasabing administrasyon. Ayon kay Raffy Tima, pulis man, guro, ordinaryong mamamayan, mga kilalang tao at kahit na ang mga nasa New Bilibid Prison ay hindi pinatawad ng umarangkada ang giyera kontra droga. Sa paglipas ng panahon, unti-unting lumitaw ang maruming kalakaran sa Pilipinas ng nasabing ipinagbabawal na gamot. Tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro Manila ang apektado ng droga ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency at hindi pa kasali ang kasalukuyang datos ng iba pang pulo.
Malaking epekto sa ating mga mamamayan ang dulot ng pagkalulong sa droga ng ating mga kababayan. Sa ating natunghayang mga krimen ay mismong tayo ay tila nanganganib sa ating bansang sinilangan dahil sa laki ng bilang at walang humpay na mga gumagamit nito, sa cancer na kung ituring. Isang sakit na mahirap gamutin ngunit unti-unting binibigyang lunas ng kasalukuyang administrasyon (http://www.philstar.com/punto mo.)
Sanggunian:
http://www.gmanetwork.com/news/story/574238/publicaffairs/brigada/isyu-ng-iligal-na-droga-sa-pilipinas-sisiyasatin-ng-brigada
http://altermidya.net/paki-explain-war-drugs/
Ni: Rica Mae Gacer
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento