Ang Pasko sa Pilipinas ay isang gawain ng mga pamilya. Bag ag
alas-dose ng hating gabi sa Disyembre 2, ang Misa de Aguinaldo ay idinidiwang.
Ang Misa de Aguinald ay ang misa na nagpapabatid ng pagkasilang ni Panginoong
Kristo, ang Simbahang Roman Katoliko, at ang Philippine Independent Church (Aglipayan)
sa pagdiwa ng sinilangan Jesu Kristo.
Ang Pasko ay maituturing na isa sa pinakamahalagang
pagdiriwang sa Pilipinas at sa ibang panig ng mundo kung saan Katoliko ang
pangunahing relihiyon. Maituturing naman na sa Pilipinas ginaganap ang
pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko na nagsisimula pagsapit ng Setyembre
hanggang sa pista ng Tatlong Hari sa unang Linggo ng Enero.
Ang Noche Buena ay isang tanyag na kaugaliang Filipino na
tumutukoy sa salu-salo o pagdiriwang sa gabi ng bisperas ng kapaskuhan. Hango
ito sa salitang Espanyol na nangangahulugang "magandang gabi" o
"banal na gabi" at isa ring kustumbre sa mga bansang Espanyol. Tuwing
bisperas ng Kapaskuhan, kadalasan ay matapos ang huling misa ng Simbang Gabi, ay
nagtitipon ang pamilya, kasama ang iba pang mga kamag-anak, para sa isang
masaganang hapunan. Kaakibat ng masayang kainan ay magigiliw na awitin,
masiglang sayawan, at walang humpay na kwentuhan.
Hindi maikakailang malakas ang impluwensya ng Kristiyanismo sa
ating bansa dahil sa buong Asya, tayong mga Pilipino ang may pinakamaaga,
pinakamahaba at pinakamatagal na pagdiriwang ng Pasko. Pagpatak pa lng ng buwan
ng Setyembre, nagsisimula ng makarinig ang lahat ng mga tugtuging pamasko sa radyo.
Mayroon na ring mga kaakit-akit na mga ilaw, parol, at palamut sa daan.
Siksikan na rin sa mga mall at mga tiange. Halos lahat ng mga palabas sa telebisyon
ay may temang tungkol sa Pasko.
Ibang klase ang Pasko sa Pilipinas. Sa kabila ng dami ng
problemang dinaranas taun-taon, may kakaibang ngiting nakikita sa mga labi ng
bawat taong makakasalubong mo sa kalye, sa eskwela o di kaya'y sa opisina.
Sadyang kakaibang sigla ang naidudulot ng simoy ng Pasko sa ating mga Pilipino.
Mga Sanggunian:
http://www.tourisminthephilippines.com/city/Tacloban/christmas-in-the-philippines/pasko-sa-pilipinas-araw-ng-pasko.html
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Noche_Buena
http://varsitarian.net/editorial_opinion/opinion/pasko_sa_pilipinas
pasko-wikifilipino
isinulat ni: John Christian M. Pongan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento