Biyernes, Nobyembre 18, 2016

Teknolohiya: Noon at Ngayon

          Ang teknolohiya ay masasabing isa sa paraan ng pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa pag lunas ng mga suliranin ng mga tao. Bilang isang Gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhenyeriya.

          Noong unang panahon hindi pa gaanong maunlad ang teknolohiya. Marami pa rin na mga gawain ang ginagawa sa proseso ng mano-mano. Sa kasalukuyan marami na an gang naiimbento para mas maging madali ang mga gawain ng tao. Bukod sa kompyuter, na imbento na rin ang washing machine na ginagamit sa paglalaba, ang rice cooker para sa pag sasaing at higit sa lahat ang cellphone para mapadali ang pakikipag komunikasyon ng mga tao.

          Noon ang mga mag-aaral ay hirap na hirap sa pag-aaral dahil wala pang kompyuter. Pumupunta pa sila sa mga silid-aklatan at humihiram ng napakaraming libro para lamang maka pag rebyu kapag may pagsusulit.Pero sa ngayon , nakaimbento na ng kompyuter, ang mga mag-aaral ay hindi na nahihirapan para makahanap sila ng mga impormasyon sa kanilang pag-aaral at dahlia na rin ito sa tulong ng internet.

          Napakalaki ng pagbabago ng teknolohiya sa ngayon kumpara noon. Noon unang panahon wala pang cellphone, gumagamit lamang sila ng dahon at tela na kanilang sinusulatan ng mensahe hanggang sa nakagawa sila ng papel na kanilang sulatan at nagkaroon na rin ng mga mensahero na siyang nagdadala ng mga sulat.

         Sa panahon ngayon, napakalawak ang pinagbago ng teknolohiya sa edukasyon. Isa na rito ang praktikal na teleskopyo na nagsilbing mahalagang instrument sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya nag nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napapabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Na imbento rin ang prodyektor kung saan ito ay madalas gamitin ng mga estudyante o sa pagpupulong.Sa makabagong panahgon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrument sa ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter.

          Sa paglipas ng panahon , nagkaroon tayo ng globalisasyon kung saan patuloy na umaangat ang ating teknolohiya , at sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya masasabing nakasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng maunlad na bansa.

-Isinulat ni Marigold E. Clavo-
                                          
Mga Sanggunian
docs:askiver.com/ano-ang-pinagkaiba-ng-teknolohiya-noon at ngayon
hightechna .com/2013


https://tl.wikepedia.org/org/wiki/teknolohiya


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento