Lunes, Nobyembre 28, 2016

Global Warming: Ang Problema ng mundo


                   Global Warming: Ang Problema ng Mundo


    Sa ating mundo ay maraming pagbabago ang nagaganap katulad ng pagkakaroon ng “global warming”. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng mundo dulot ng malakas na paggamit ng carbon dioxide, chlorofluorocarbon at iba pang pollutants na may matinding epekto sa ating kapaligiran.

   Batay sa isang blogspot na kinumentaryohan ni Ronraf sa anobaangglobalwarming.blogspot.com, ang lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago kagaya na lamang ng ating panahon kaya naman ang bawat nilalang ng Diyos ay kinakailangan na makisama  sa naturang kalagayan ng mundo.

  Ayon sa website na  www.gabaykaalaman.com , ang mga sanhing nabuo sa pagkakaroon ng global warming ay ang  sobrang pagbuga ng carbon dioxide na  nagmumula sa usok ng mga sasakyan at mga pabrika katulad ng pagawaan ng tsinelas.  Madalas na pagputol at pagsunog ng mga kahoy sa kagubatan. Ang mga kahoy sa gubat ay maraming pwedeng paggamitan tulad ng paggawa ng iba’t ibang imprastraktura ng bayan. Paggamit ng insecticide at pesticide. Ang sobrang paggamit nito ay nagdudulot  ng  maraming sakit sa mga tao kagaya ng pagsusuka at pagkahilo.Isa pang dahilan ay ang paglaki ng populasyon ng  tao sa mundo. Ang lumalaking populasyon natin ang pinakasanhi sa lahat ng di kanais-nais na pangyayari. Sapagkat kapag dumadami ang populasyon maraming demand ng mga sasakyan , gusali at mga indusriya na nakakasira sa ating kalikasan.

   Kung susuriin natin ang sanhing nabanggit ito ay may kaakibat na epekto na ibabalik sa atin ng kalikasan. Ayon naman sa https://theannexmatters.wordpress.com/2011/09/23/ang-global-warming-at-epekto-nito-sa-bansa/ Narito ang mga sumusunod na epekto. Dahil sa pabago-bagong panahon ang kalusugan ng mga tao ang unang tinatamaan nito kung saan maraming sakit ang nangingibabaw tulad ng skin cancer, lagnat, sipon, ubo at iba pa. Ang mga hayop ay namamatay dahil sa sobrang init, ang karagatan ay mas lalong lumalaki dulot ng pagtunaw ng mga yelo sa mga lugar na malalamig at pagdagsa ng malalakas na bagyo.

   Ang pangyayaring iyan ay nagmula sa ibat-ibang aspekto na mismong tayong mga tao ang may kagagawan, (http://smkalammegah.wordpress.com/category/extra-facts/)kasama na rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat waves), bagyo at buhawi. Ito ang pinakaproblema na kinakaharap natin sa kasalukuyan. Ito ay nangangailangan ng maayos at organisadong solusyon bago pa mahuli ang lahat.

                                                                                       Ni: Mikee Seladis

1 komento: