Ang Rehiyon ng Bikol ay isa sa may pinaka
maraming katatagpuang bilang ng bundok at bulkan sa bansa. Bulkang Labo
sa Camarines Norte; Kabundukan sa Matnog, Sorsogon; Bulkang Bulusan, Bulkang
Isarog, Bundok Malinao, Bundok Masaraga at ang kabundukan ng Pocdol. Narito rin
ang isa sa pinakapopular na bulkan sa buong bansa pagkat sibnasabing perpekto
ang pagiging hugis apa nito, ang Bulkang Mayon sa Albay ayon sa
Ang lalawigan ng Camarines Sur ang
pinakamalaki sa anim na probinsya ng kabikolan. Ito ay may 35 na munisipyo at
1063 barangay. Ito rin ay may dalawang lungsod, ang Naga at Iriga. Ang lungsod
ng Legaspi ay ang sentro ng political at administratibo habang ang Naga naman
ang sentro ng Rehiyon Bikol sa linya ng komersya, industriya, relihiyon at
kultura. Ito ay nasa pinakagitnang parte ng Bikol Peninsula. Ang dagat ng lalawigan
ay may lawak na umaabot sa 526,682 na ektarya. Ito rin ay may malawak na
taniman ng palay at niyog. Nandito rin sa probinsya ang maganda at sikat na
Camarines Water Sports Complex at ang Danaw ng Buhi na sikat na pinagmumulan ng
pinakamaliit na isda sa buong mundo, ang tabios o sinarapan. Ang pangalawang lalawigan
ay ang Camarines Norte na makikita sa isla ng Luzon na nasa silangan na parte
ng Bikol Peninsula. Ito ay mayroong 12 na munisipyo at 282 na barangay. Ang
probinsya ay naka harap sa Lamon Bay at sa Dagat Pasipiko sa parting norteng
silangan. Ito ay nasa sur na parte ng Camarines Sur at bahagyang parte ng
Quezon kaya halos ng nakatira ditto ay tagalog ang gamit sa pananalita. Ang
probinsya ay may sukat na 211,249 ektarya na pinaghati-hati ng 12 na munisipyo,
283 na barangay at isang kongresyonal na distrito. Ang Daet ang nagsisilbing
sentro ng buong probinsya ng Camarines Norte. (Ayon kay Thea Joy G. Manalo)
Ang ikatlong
lalawigan ay ang probinsya ng Albay na nasa Sur na paanan ng Bulkang Mayon.
Mron itong populayong na 1,233,432 ayos sa census ng NSO nuong 2010. Ito ay may
15 munisipyo at 720 barangay sa loob ng tatlong distrito. Ang lupa nito ay may
sukat n 2,544.06 metro kwadrado, kun kaya ang probinsya ang ika-26 na
pinakamaliit ng probinsya sa buong Pilipinas. Ito ay nasa norteng parte ng
Camarines Sur at sa Sur na parte ng Sorsogon. Ang bulkan Mayon may taas ng
8,077 ft. na sikat dahil sa pormang kono
nito. Agricultura ang pinakauna na pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga Albayano
gaya na lamang ng produktong niyog, palay, asukal at abaka. Makikita ang lalawigan
ng Sorsogon sa dulong parte ng Bikol Peninsula nan aka harap sa isla ng Samar,
San Bernadino Strait, at isla ng Tikaw at Albay. Ito ay nahahati sa 14
lalawigan at 1 lungsod. An lungsod ng Sorsogon ay ang kabisera ng probinsya.
Ito ay mayroong 541 na barangay at 2 distrito. Ang bulking Bulusan ay isa sa
aktibong bulkan sa kabikolan. Ang Sorsogon at tinatawag na “Gateway to Southern
Philippines” dahil nag sisilbi itong pwerto g mga barkong papunta sa Bisayas at
Mindanao. Ang probinsya ay nasa hilagang parte ng probinsya ng Albay at Golpo
ng Albay. Ito ay may sukat na 2141.45 metro kwadrado at may sukat na 21,414,486
ektarya ng kalupaan. Ito ay may layong 600 kilometro mula sa Maynila. Ang
probinsya ng Sorsogon ang nagsisilbing taga konekta sa Luzon, Visayas at
Mindanao gamit ang ferry boat sa Matnog, Sorsogon. (Charity A. Capunitan)
Ang lalawigan
ng Masbate ay isa sa mga islang probinsya ng Rehiyon Bikol. Ito ay mayroong 20
lalawigan at 550 barangay, na ang pinakasentro ay ang lungsod ng Masbate. Meron
itong malalaking isla: Masbate, Ticao, at Burias. Ang probinsya ay sikat na
lugar dahil sa pag-aalaga ng mga baka. Meron itong lawak na 4151.78 kilometro
kwaderno. Ito ang pangalawa sa pinaka malaking probinsya na nagdadala ng mga baka
sa maynila. Ang probinsya ay bantog sa “ Rodeo Masbateno Fstival” na ginaganap
sa mabate tuwing Abril at Mayo ng taon. Ang isla ng Catanduanes ang huling lalawigan
na nabibilang sa Rehiyon V. Ito ang probinsyang palaging nadadaanan ng mga
bagyo dahil naka harap ito sa kadagatang pasipiko. Ang probinsya ay may lawak n
1511.5 metro kwadrado. Virac ang sentro ng lalawigan. Ito ay mayroong 11 na
munisipyo, 315 barangay at 1 kongresyonal na distrito. Bantog ang lalawigan
dahil sa mga magagandang baybayin, mga kwebang luma at malalaking mga simbahan.
(Walter F. Galarosa). Kilala rin ang lalawigan ng Catanduanes dahil sa Abaca
Festival na ipinagdidiriwang dito. Ipinapakita rito ang kahalagahan ng abaca sa
kanilang araw-araw na pamumuhay dahil ito ang pangunahing pinagkukunan ng
ikinabubuhay ng mga tao sa lalawigan. Abaca rin ang dahil kung bakit kilala ang
Catanduanes sa ibat-ibang parte ng bansa.
Kung kaya’t ang Rehiyon V ay isang
mayamang lupain dahil sa mga mayayamang kultura ng lugar. Ang rehiyon ng bicol
ay bantog sa ibat-ibang parte ng mundo dahil sa mga lutuin at paraan ng pag
luluto nito, gaya na lamang ng pag gamit ng sili at gata sa mga lutuin na
tinatangkilik ng marami. Kilala rin ang mga Bicolano dahil sa pagiging
relihiyosa ng mga tao ditto. Ito ay kilala dahil sa Penafrancia Festival na
ipigdidiriwang tuwing buwan ng setyembre. Rehiyon ng bicol ay isa sa mga
kilalang bicol sa buong bansa dahil sa kung gaano kayaman ang kultura nito pati
na rin ang angking kaisipan at katalinuhan ng mga tao rito dahil sa mga
produkdong bantog sa ibat-iabng parte ng mundo.
-Isinulat ni: Anabelle Ramirez-
Mga Sanggunian
Ayon kina Thea Joy. G Manalo, Charity A. Capunitan at Walter F. Galarosa
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento