Biyernes, Nobyembre 18, 2016

Teen Suicide

Ang suicide o pagpapatiwakal ang isa sa mga seryosong public health problem na kinahaharap ngayon lalong-lalo na ng mga kabataan (Philip "Dobol P" Piccio,2015) "Hindi ko na kaya," ito ang madalas nating marinig sa mga taong madaling sumuko. Tayo ay nahaharap sa anumang klaseng problema, ito man ay pinansyal, pag-aaral, pamilya, personal at relasyon sa ibang tao. Dahil sa hindi ito makayanan ng ilan, pagpapakamatay ang nakikita nilang solusyon dito. Ngunit, bakit kaya nauuwi sa ganitong isyu ang mga tao lalo na ang mga kabataan?

Ayon sa Center for Disease Control Preventation (CDCP), ang pagpapakamatay ang pang-apat sa pinakamataas na dahilan ng kamatayan sa mundo. Sa loob ng isang taon, mayroong halos 4,600 na kaso ng suicide. Ang stress ang isa sa rason kung bakit madalas mawalan ng pag-asa ang mga tao upang magpatuloy na mabuhay. Ayon pa sa CDCP, ang nakararanas ng ganitong seryosong problema ay ang mga taong nasa edad na 10-24. Sila sana ang mga taong dapat na nagpapakasaya dahil sila ay nasa murang edad pa lamang. Maaari pa nilang gawin ang anumang ninanais nila. Ngunit dahil sa pagdadamdam ng sobra sa problemang kinakaharap nila, ito ay nauuwi sa pagpapakamatay.

Sinasaad sa CDCP na nasa 45% ang gumagamit ng baril upang kitilin ang kanilang buhay, 40% naman ay dahil sa suffocation at 5% ay dahil sa lason. Dahil sa sobrang pagkadepressed ng isang tao, hindi niya na alam kung ano ang dapat gawin. Mayroong mga Risk Factors na maaaring magtrigger sa kagustuhan ng isang tao na tapusin na ang kanyang buhay. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga ito: Mental illness, kasaysayan sa miyembro ng pamilya ng suicide, pag-inom ng mga ipinagbabawal na gamot, bisyo/alak, may nangyaring hindi kasaya-saya, relationship break-up, bullying, atbp.

Isa pa sa rason kung bakit nagtatangkang magpakamatay ang isang tao ay dahil sa isang sikat na sakit na Psychosis Disease. Ito ay ang "Schizophrenia."  Ayon kay Dr. Jen Cruz, isang medical expert ng U.S, ang Schizophrenia ay isang malubhang karamdaman kung saan ang tao ay hindi wasto ang nakikita o nararamdaman sa realidad. Ang ganitong karamdaman ay nagdadala ng pagbabago sa nararamdaman ng isang tao, sa kanyang pag-iisp at pagsasagawa ng bagay-bagay. Mayroon itong dalawang sintomas. Una ay ang halusinasyon o ang pakiramdam ng isang tao na mayroon siyang nakikita, naririnig, naaamoy o nararamdamang mga bagay na hindi naman nararanasan ng kahit sino. Ang pangalawa ay ang delusyon. Ito ay ang paniniwala na hindi naman totoo kaya ito ang nagkokontrol sa kanya.

Ang mga ganitong kaso ng problema ay dapat na maagang maagapan bago pa maipagpatuloy ang pagsu-suicide. Karamihan sa mga gumagawa ng ganitong bagay ay ang mga taong mahina at hindi kayang maniwala sa sarili. Sila ang mga taong hindi kayang tingnan ang mga magagandang bagay na mayroon siya dahil nakatutok lamang ito sa negatibo. Sila rin ang walang paniniwala sa Diyos at laging inuuna ang takot. Dapat itong mabigyan kaagad ng pansin ng mga taong malapit sa kanya. Kinakailangan ng mga taong nakararanas nito na makibahagi sa ibang tao at sabihin ang kung anumang problemang kinahaharap niya nang sa ganun ay hindi niya maramdamdamang mag-isa lamang siya.


Mga Pinagkunan/Sanggunian:
- https://dobolp.com/2015/01/29/teen-suicide-laganap-sa-buong-mundo/
- http://www.buhayofw.com/medical-advice/psychiatric-diseases-and-neurological-disorders/ano-schizophrenia-bipolar-sanhi-gamot-lunas-sintomas-bakit-5600f78a88467




Tekstong Impormatibo ni 
Mariel S. Bermejo 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento