Napakaraming
pagkain sa ating mundo, pero hindi natin alam kung ang mga pagkain ba na ito ay
makakabuti sa ating kalusugan o hindi. Sa ating mga kinakain, napakaimportante malaman
natin kung ito ay mabuti o hindi sapagkat dito nakasalalay ang ating
buhay. Ang tekstong ito ay mayroong
walong pagkain na may pambihirang nutrisyon na napakahalaga at talagang
kinakailangan ng ating katawan.
Itlog
Ito ay isa sa mga kinakatakutan ng lahat
dahil sa mataas nitong cholesterol.
May bagong pag-aaral ang nagsasabing
hindi ito nakasasama sa dugo at hindi rin nagiging resulta ng heart attack. Ayon kay Toby Amidor, may
akda ng The Greek Yogurt Kitchen, ang
isang buong itlog ay puno ng protina at ang yolk naman nito ay may maraming
nutrisyon katulad ng Vitamin D at B12, riboflavin,
choline and selenium. Ito rin nagpapalinaw ng mga mata, dahil meron rin
itong phytochemical antioxidants lutein
and zeaxanthin. Ayon naman kay Kris Gunnars, sa pag-aaral ng 30 overweight women nalaman na sa pagkain
ng mga babae ng itlog sa umaga ay nagiging mas masigla sila at pagkain nila ng
kunti para sa susunod na 3 araw na
makakatulong sa pagbabawas ng timbang. Makukuha mo rin sa itlog ang kailangan mo sa calorie restricted diet at karamihan ng nutrisyon ay makukuha sa
pula ng itlog(yolk).
Kamatis
Ang pulang kamatis ang mas mabuti dahil
ito ay punung-puno ng antioxidant lycopene na nakatutulong sa pagbaba ng dulot
ng mga sakit katulad ng bladder, lung,
prostate, skin, stomach cancers at
coronaryartery disease. Ayon kay
Keri Gans, may akda ng The Small Change
Deit, ang kamatis rin ay mayaman sa Vitamin C na nagpapanatili ng matibay na
immune system. Basesa pag-aaral ng American Journal of Clinical Nutrition, masasabi
na kapag mas mataas ang pag-intake ng
Vitamin C, mas nagiging makinis ang kutis, nakakabawas ng pagkakaroon ng wrinkled skin at nagpapanatili ng batang
kutis.
Blueberries
Ayon kay Jennifer McDaniel, Food &Nutrition Expert, ang isang
tasa ng blueberries ay may 80 calories atnagbibigay
ng 14 % ng rekomendadong pang-araw-araw na fiber
at Vitamin C. Ito ang nangunguna dahil sa nilalaman nitong antioxidant kompara sa ibang prutas.
Ayon sa pag-aaral sa American Journal of Clinical Nutrition, ang mga
blueberries ay nagpapataas ng lebel ng good
HDL chotlesterol at nagpapababa blood pressure. Ayon naman sa Best
Health, ang blueberries ay nakatutulong sa pagsugpo ng heart disease,
cancer, paglabo ng mga mata at pagkawala ng memorya. Ang blueberries din ay
nangunguna sa pagpigil ng sakit na Urinary Track Infection (UTI) .
Mani
Ayon kay, Kris Gunnars, kahit na ang mani
ay siksik sa fat, hindi naman talaga
ito nakakapataba. Ito ay mayaman sa heart-healthy
omega-3, puno nganti-flamamatory
polyphenols, protina na bumubuo ng
mucles.Ang pagkain ng mani ay nakatutulong sa pagpapatibay ng metabolic health at nakakatulong din sa
pagbawas ng timbang. Nalaman sa pag-aaral sa mga tao na mas malusog at mas
maganda ang katawan ng mga taong kumakain ng mani kaysa sa mga taong hindi
kumakain.
Buto
Ayon sa Best Health, napag-alaman na ang mga buto ay talagang maganda sa
puso. Ayon naman kay Dawn Jackson Blatner, may akda ng Flexitarian Diet, hindi
lang daw ito nagbibigay protina, mayaman pa ito sa healthy fats at isa sa mga pinagkukunan ng fiber sa buong mundo. Itong mga fiber
na ito ang nakatutulong para maalis ang mga cholesterol
at nakakabawas ng timbang dahil ang 8 grams ng fiberay mayroong 1,000 calories.Ang buto rin ay puno ng
anthocyanins at antioxidant compounds na nakatutulong sa pagkakaroon ng maayos
na pag-iisip.
Oats
Ayon kay Kris Gunnars, ang mga oat ay
puno ng fiber na nakakatulong sa
paglaban sa heart disease. Ayon naman
kay Bonnie Taub-Dix, may akda ng Read It Before You Eat It at kay Mitzi
Dulan, may akda ng The Pinterest Deit, ang
oat nakakatulong sa pagboost ng
protina, fiber, at calcium na mayroong 20 grams ng protina bawat tasa at 4 grams ngfiber bawat tasa. Ang oat din ay puno ng
beta-glucans na nakakatulong sa
pagpapatibay ng metabolic system, nakakapagpababa
ng blood cholesterol, at heart attack.Ayon naman kay Matthew
Thompson, ang pagkain ng agahan na may oatmeal, 3 oras bago mag-ehersisyo ay
nakakatulong sa pagtunay ng taba na nakapagbabawas rin ng timbang.
Yogurt
Ayon sa Best Health, ang yogurt ay
malaking pinagkukunan ng bone-building calcium. Nakasalalay sa buhay ng bacteria, probiotics, ang nutrisyon nitona
nakatutulong sa trabaho ng iyong gut.
Ayon naman kay Kris Gunnars, ang pagkakaroon healthy gut ay nakakatulong sa pagprotekta laban sa inpeksyon at leptin resistance. Ang pagkain maraming
yogurt ay nakakatulong sa paglaban sa inflammatory
bowel disease, ulcers, urinary tract infections, atvaginal yeast
infections, at sa pagpapatibay ng immune system.
Salmon
Ayon kay Kris Gunnars, ang salmon ay oily
fish, puno ng mataas na kwalidad ng protina, heathy fats at naglalaman ng lahat ng importanteng nutrition. Ito
rin ay nagbibigay ng iodine na kailangan ng thyroid,
na nagpapanatili ang sigla ng tao. Sa pag-aaral naman sa American Journal of Clinical Nutrition, napag-alaman
na kapag maraming kinaing isda na puno nang omega-3, nababawasan ang paglala ng
sakit sa balat ng 30% at nakatutulong para maiwasan ang inpeksyon. Ayon naman
sa mga scientist, ang omega-3 daw ay
nagsisilbing proteksyon sa mga cell wall.
Ang mga pagkain na ito ay may iba’t
ibang nutrisyon na makakatulong upang maging mahaba, maayos at maligaya ang
ating pamumuhay. Saan ka pa? Mura na, masarap pa at higit sa lahat siksik sa
sustansya.
Isinulat ni:
JEROME C. PENSICA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento