Sibak
ng Kahapon
Lahat tayo ay nakakaranas ng mga problemang
napakahirap solusyonan. Ito ay isang digmaan na kinakailangang malampasan upang
tayo ay magtagumpay sa kahit anung larangan ng buhay.
Ang aking pamilya ay binubuo lamang ng
pito. Simpleng pamumuhay lang ang meron kami. Ang ngiti ng bawat isa sa loob ng
tahanan ay hindi matatawaran ng kahit anong bagay sa mundo dahil sa parehas may
trabaho ang mga magulang namin at kaming lima ay nakakapag-aaral ng maayos.
Nabibili nila ang mga pangangailangan namin sa araw-araw.
Ngunit
sa pagdaan ng maraming araw may mga pagbabagong di namin inaasahan.Nagkaroon
ako ng sakit sa kidney noong nasa Day Care pa lamang ako. Halos isang linggo
akong nanatili sa isang pampublikong hospital na mainit at maingay. Nang mga
araw na iyon, hindi namin inaasahan na matatanggal sa trabaho ang aking
napakasipag ina ng walang dahilan. Ayon sa isang katrabaho ni mama ang sariling
tita ko daw ang nagpatalsik sa pagiging
secretary niya. Hindi ito nagawang sumbatan ng mga magulang ko ang kadamutan
nito.
Nagdaan pa ang mga araw na unti-unting ng nawalan
ng pag-asa ang aking pamilya.Halo-halong basura ang nasa utak ng magulang ko.Napag-isipan
tuloy ng aking ama na si kuya na lamang muna ang papaaralin dahil sa hindi naman
sapat ang kanyang sahod para sa aming lahat, kaya naman ang aking ina ay gumawa
ng paraan upang makahanap ng magandang
trabaho. Kaming mga anak niya ay
nagkanya-kanyang sikap sa paghahanap buhay. Nagbenta ako ng mga cracker tuwing
may pasok at kapag Sabado at Linggo ay nagluluto ako ng masarap na barbecue sa
labasan ng bahay namin, ang naging puhunan ko rito ay ang perang nakuha ko sa
pagsama sa palayan nila lolo. Walang tumulong sa amin kahit na isa sa mga
kapatid ni papa. Parang bang isang laro lang kami na pinagkakaisahan at hayop na pinagdadamutan ng mga bagay na
kailangan namin. Sa tuwing umuuwi nga ang mga kapatid ng aking ama kami ay nagiging alipin
sa bahay kung turingin.
Nagkandarapa na sa pagtatrabaho ang mga
magulang ko upang kami ay makapagtapos ng pag-aaral at hindi nagtagal ang bulaklak na dating tuyo ngayon
ay isang napakagandang bulaklak na. Ang dalawang kapatid ko ay isa ng
matagumpay na police ng bayan kahit na ang isa kong kapatid na babae ay hindi
maganda ang naging resulta ng kanyang buhay,ang aking ina naman ay isang
Administrative Assistant II at ang aking ama ay naging taga-hatid sundo nalang
namin. Sa ngayon, dalawa na lamang kami na natitirang nag-aaral sa High
School.
Hindi tumagal naging maganda na ang tubo ng bulaklak
na iyon ,doon narin nagsimula ang pagbigay pansin ng mga taong nag-aalaga
sakanya. Ang paghihirap na iyon ang lagi naming dala-dala kahit saan man kami
magpunta at dahil sa laging paulit-ulit
na hinahabilin ito ng aking ina “
mag-aral kayo ng mabuti dahil kayo rin ang makikinabang niyan at iyan lang ang
kayang ipamana namin sainyo” at para maipamukha namin sa kanila na mali ang
lahat ng pinagkakalat nila na ‘”walang makakapagtapos sa amin sa pag-aaral”.
Maraming nakapansin sa mga pangyayaring kalungkot-lungkot
sa buhay namin noon at laking pasasalamat ko rin sa mga taong ubod sa bait kung tumulong. Alam
niyo sa una lang iyan mahirap pero
kung samasama kayong hinaharap ito
walang imposible na magtagumpay kayo.
Maging maliit man ito o malaki kinakailangan niyo lang naman ng
pananalig sa Diyos, tiyaga at tapang sa bawat pagtungtong sa mga hakbang na
gagawin ninyo. Lahat naman ng hiningi natin sa Diyos ay naibibigay niya. Oo
matagal, pero kahit na ganun marunong parin dapat tayong maghintay sa kanyang
biyayang ibibigay sa atin. Malay natin higit pa sa isang magarang palasyo ang
igagantimpala niya. Hayaan niyo lang ang mga mahahanghang na salita na
pinagsasabi ng iba tungkol sainyo at maging aral sana ang mga kahindik-hindik na pangyayari sa buhay
ninyo, nang sa ganun hindi na muling maulit
ang nangyari lalong lalo na kapag
nagkaroon kayo ng sarili niyong pamilya.
Ni: Mikee Seladis
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento