Ang isda ay isang hayop na nakatira sa
karagatan. Halos lahat ng isda ay may palikpik, kaliskis at hasang. Ang
palikpik ay ginagamit ng isda upang makagalaw sa ilalim ng dagat. Ang kaliskis
naman ay ginagamit nila pamproteksyon. Ang hasang naman ay ginagamit sa
paghinga ng mga isda. Nasabi sa librong Biology na nilathala nina Levine
at Miller, ang catfish o hito ay isang uri ng isda na walang kaliskis.
Sinasabi
din sa libro na ang unang isda ay kakaibang tingnan dahil ito raw ay napapaligiran
ng buto sa kanyang katawan. Namuhay ang mga ito noong Cambrian Period, limang
daang milyong taon na ang nakakalipas. Nanatili silang mabuto nang mahigit isang
daang milyong taon.
Noong Devonian
Period o tinatawag na Age of Fishes, ang mga isda aynagdanas ng
isang malaking adapsyon sa radasyon dahilan upang sila ang maghari sa karagatan.
Ngunit matapos ang Devonian Period, ang mga isdang ito ay naubos na.
Ngunit kahit naubos na ang mga armored fish, natira naman ang mga pating
at iba pang uri ng isda na nagpatuloy sa kanilang uri.
May tatlong
grupo ng mga isda sa kasalukuyan. Isa na dito ang mga jawless fish. Ito
ay mga isda na walang ngipin at panga. Isa rin dito ang cartilaginous fish na
may mga malalambot na buto. At ang bony fish na may matitigas na buto.
Halos lahat
ng isda na nakatira sa sariwang tubig o fresh water ay hindi kayang
tumira sa salt water dahil sa mataas na konsentrasyon ng asin sa tubig.
Pareho din sa mga nakatira sa salt water, hindi nila kaya ang mababang
konsentrasyon ng asin sa fresh water kaya nananatili sila kung nasaan
sila. Ngunit may ibang isda na kayang maglipat ng tirahan tulad ng Lampreys.
Ang Lampreys ay nakatira sa salt
water ngunit lumilipat sila sa salt water upang magparami.
-Isinulat ni Jay Bantog -
Mga Sanggunian
"Biology" by Levine and Miller
https://books.google.com.ph/books?hl=en&lr=&id=E-MLDAAAQBAJ&oi=fnd&pg=PT43&dq=fishes&ots=uTmaFHuWmV&sig=kLRAJxCGy4GyNLptS1T5ytGif7U&redir_esc=y
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento