Lunes, Nobyembre 28, 2016

Global Warming: Ang Problema ng mundo


                   Global Warming: Ang Problema ng Mundo


    Sa ating mundo ay maraming pagbabago ang nagaganap katulad ng pagkakaroon ng “global warming”. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng mundo dulot ng malakas na paggamit ng carbon dioxide, chlorofluorocarbon at iba pang pollutants na may matinding epekto sa ating kapaligiran.

   Batay sa isang blogspot na kinumentaryohan ni Ronraf sa anobaangglobalwarming.blogspot.com, ang lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago kagaya na lamang ng ating panahon kaya naman ang bawat nilalang ng Diyos ay kinakailangan na makisama  sa naturang kalagayan ng mundo.

  Ayon sa website na  www.gabaykaalaman.com , ang mga sanhing nabuo sa pagkakaroon ng global warming ay ang  sobrang pagbuga ng carbon dioxide na  nagmumula sa usok ng mga sasakyan at mga pabrika katulad ng pagawaan ng tsinelas.  Madalas na pagputol at pagsunog ng mga kahoy sa kagubatan. Ang mga kahoy sa gubat ay maraming pwedeng paggamitan tulad ng paggawa ng iba’t ibang imprastraktura ng bayan. Paggamit ng insecticide at pesticide. Ang sobrang paggamit nito ay nagdudulot  ng  maraming sakit sa mga tao kagaya ng pagsusuka at pagkahilo.Isa pang dahilan ay ang paglaki ng populasyon ng  tao sa mundo. Ang lumalaking populasyon natin ang pinakasanhi sa lahat ng di kanais-nais na pangyayari. Sapagkat kapag dumadami ang populasyon maraming demand ng mga sasakyan , gusali at mga indusriya na nakakasira sa ating kalikasan.

   Kung susuriin natin ang sanhing nabanggit ito ay may kaakibat na epekto na ibabalik sa atin ng kalikasan. Ayon naman sa https://theannexmatters.wordpress.com/2011/09/23/ang-global-warming-at-epekto-nito-sa-bansa/ Narito ang mga sumusunod na epekto. Dahil sa pabago-bagong panahon ang kalusugan ng mga tao ang unang tinatamaan nito kung saan maraming sakit ang nangingibabaw tulad ng skin cancer, lagnat, sipon, ubo at iba pa. Ang mga hayop ay namamatay dahil sa sobrang init, ang karagatan ay mas lalong lumalaki dulot ng pagtunaw ng mga yelo sa mga lugar na malalamig at pagdagsa ng malalakas na bagyo.

   Ang pangyayaring iyan ay nagmula sa ibat-ibang aspekto na mismong tayong mga tao ang may kagagawan, (http://smkalammegah.wordpress.com/category/extra-facts/)kasama na rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat waves), bagyo at buhawi. Ito ang pinakaproblema na kinakaharap natin sa kasalukuyan. Ito ay nangangailangan ng maayos at organisadong solusyon bago pa mahuli ang lahat.

                                                                                       Ni: Mikee Seladis


Sibak ng Kahapon

     Lahat tayo ay nakakaranas ng mga problemang napakahirap solusyonan. Ito ay isang digmaan na kinakailangang malampasan upang tayo ay magtagumpay sa kahit anung larangan ng buhay.

    Ang aking pamilya ay binubuo lamang ng pito. Simpleng pamumuhay lang ang meron kami. Ang ngiti ng bawat isa sa loob ng tahanan ay hindi matatawaran ng kahit anong bagay sa mundo dahil sa parehas may trabaho ang mga magulang namin at kaming lima ay nakakapag-aaral ng maayos. Nabibili nila ang mga pangangailangan namin sa araw-araw. 

    Ngunit sa pagdaan ng maraming araw may mga pagbabagong di namin inaasahan.Nagkaroon ako ng sakit sa kidney noong nasa Day Care pa lamang ako. Halos isang linggo akong nanatili sa isang pampublikong hospital na mainit at maingay. Nang mga araw na iyon, hindi namin inaasahan na matatanggal sa trabaho ang aking napakasipag ina ng walang dahilan. Ayon sa isang katrabaho ni mama ang sariling tita ko daw ang nagpatalsik  sa pagiging secretary niya. Hindi ito nagawang sumbatan ng mga magulang ko ang kadamutan nito.
    Nagdaan pa ang mga araw na unti-unting ng nawalan ng pag-asa ang aking pamilya.Halo-halong basura ang nasa utak ng magulang ko.Napag-isipan tuloy ng aking ama na si kuya na lamang muna ang papaaralin dahil sa hindi naman sapat ang kanyang sahod para sa aming lahat, kaya naman ang aking ina ay gumawa  ng paraan upang makahanap ng magandang trabaho. Kaming mga anak niya  ay nagkanya-kanyang sikap sa paghahanap buhay. Nagbenta ako ng mga cracker tuwing may pasok at kapag Sabado at Linggo ay nagluluto ako ng masarap na barbecue sa labasan ng bahay namin, ang naging puhunan ko rito ay ang perang nakuha ko sa pagsama sa palayan nila lolo. Walang tumulong sa amin kahit na isa sa mga kapatid ni papa. Parang bang isang laro lang kami na pinagkakaisahan  at hayop na pinagdadamutan ng mga bagay na kailangan namin. Sa tuwing umuuwi  nga  ang mga kapatid ng aking ama kami ay nagiging alipin sa bahay kung turingin.

   Nagkandarapa na sa pagtatrabaho ang mga magulang ko upang kami ay makapagtapos ng pag-aaral at hindi  nagtagal ang bulaklak na dating tuyo ngayon ay isang napakagandang bulaklak na. Ang dalawang kapatid ko ay isa ng matagumpay na police ng bayan kahit na ang isa kong kapatid na babae ay hindi maganda ang naging resulta ng kanyang buhay,ang aking ina naman ay isang Administrative Assistant II at ang aking ama ay naging taga-hatid sundo nalang namin. Sa ngayon, dalawa na lamang kami na natitirang nag-aaral sa High School. 

  Hindi tumagal naging maganda na ang tubo ng bulaklak na iyon ,doon narin nagsimula ang pagbigay pansin ng mga taong nag-aalaga sakanya. Ang paghihirap na iyon ang lagi naming dala-dala kahit saan man kami magpunta at dahil sa laging paulit-ulit  na hinahabilin  ito ng aking ina “ mag-aral kayo ng mabuti dahil kayo rin ang makikinabang niyan at iyan lang ang kayang ipamana namin sainyo” at para maipamukha namin sa kanila na mali ang lahat ng pinagkakalat nila na ‘”walang makakapagtapos sa amin sa pag-aaral”.

  Maraming nakapansin sa mga pangyayaring kalungkot-lungkot sa buhay namin noon at laking pasasalamat ko rin  sa mga taong ubod sa bait kung tumulong. Alam niyo sa una  lang iyan mahirap pero kung  samasama kayong hinaharap ito walang imposible na magtagumpay kayo.  Maging maliit man ito o malaki kinakailangan niyo lang naman ng pananalig sa Diyos, tiyaga at tapang sa bawat pagtungtong sa mga hakbang na gagawin ninyo. Lahat naman ng hiningi natin sa Diyos ay naibibigay niya. Oo matagal, pero kahit na ganun marunong parin dapat tayong maghintay sa kanyang biyayang ibibigay sa atin. Malay natin higit pa sa isang magarang palasyo ang igagantimpala niya. Hayaan niyo lang ang mga mahahanghang na salita na pinagsasabi ng iba tungkol sainyo at maging aral sana  ang mga kahindik-hindik na pangyayari sa buhay ninyo, nang sa ganun hindi na muling maulit  ang nangyari  lalong lalo na kapag nagkaroon kayo ng sarili niyong pamilya.

                                                                                            Ni: Mikee Seladis

Lunes, Nobyembre 21, 2016

Ang Musika

Ang musika ay tunog na kinakanta gamit ng boses o tinugtog gamit ang mga instrumento. Ito ay pwedeng sulat o mga simbolo na nagpapalabas kung paano ang musika ay gamitin. Ang musika ay isang uri ng sining na kailangang gumamit ng tunog, karaniwan nito ay kanta, tinuturing itong pinakamaliit na gawang musika, lalo na kung mayroon itong kasamang pag-awit. Ang mga karaniwang sangkap ng musika ay pitch na gumagabay sa tono, melodiya at harmonya. Isa pang sangkap ay ang ritmo at ang kaugnay nitong tempo, metro, at artikulasyon. Ang panghuli ay ang dynamics at ang lahat ng ibang uri ng katangian, timbre, at tekstura.
Iba-iba depende sa kultura at panlipunang konteksto ang paglikha, pagganap, kabuluhan, at pati na rin ang kahulugan ng musika. Ang mga kasama nito ay mula sa komposisyon na organisado at ang panglibang na pagganap nito, sa pamamagitan ng binagong musika, hanggang sa porma nitong aleatoric.
Ang musika ay may iba-ibang klase. Nalalaman ito sa pamamagitan ng genre at subgenre. Ang mga dibosyon at relasyon sa mga kategorya ng musika ay kadalasang pino, minsan bukas ito sa pangsariling pagkaunawa, at minsan kontrobersyal. Sa sining, ang musika ay itinatanghal. Pwede ring tugtugin ang musika at marinig ng pangkasalukuyan. Pwede rin itong maging bahagi ng iba't-ibang dulaan o pelikula, at maaari din irecord.
Sa dami ng tao sa ibat-ibang kultura,sa Pilipinas bahagi ito ng pamumuhay ng mga tao.Para naman sa mga sinaunang Griyego at pilosopong Indiano, ang musika ay mga tono na nakaayos pahalang at patayo na harmoniya.Mga pangkaraniwan na kasabihan ay nasasabi na ang musika ay kadalasang nakaayos at magandang pakinggan.
Ang musika ngayon ay malaki ang naiaambag sa bawat kultura ng iba-ibang klase ng tao.Nakakatulong ito kadalasan bilang trabaho, negosyo,o ginagawang instrumento ng mga tao bilang komunikasyon.Ang musika ay napakahalaga lalo na sa ating mga Pilipino.Kailangan natin itong mas lalong payabongin at pahalagahan


Sanggunian:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Tugtugin?_e_pi_=1%2CPAGE_ID10%2C7386787811

isinulat ni:
Emmanuel Collantes

Kalabaw

               Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang kalabaw dahil likas ito sa ating bansa at karaniwan itong alaga ng mga Filipino.Madalas itong iniuugnay sa mga mambubukid dahil ito ang kadalasang napiling hayop para sa pag-aararo at pagtutulak ng kariton na ginagamit ng mga mambubukid upang dalhin ang kanilang mga ani mula sa bukid patungo sa pamilihan.

               Ang kalabaw o (bubalus bubalis carabanesis o minsan bubalus carabanesis) ay isang uri ng kalabaw na pantubig o water buffalo na karaniwang natatagpuan sa Pilipinas,Guam, at pati sa ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya.

               Karaniwang nabubuhay ang mga kalabaw ng 18 hanggang 20 taon at maaaring umabot ang timbang nila sa walong-daang kilo sa kanilang pagtanda.Karaniwang itim ang kulay ng kanilang balat na nakapalibot sa buo nilang katawan habang ang kanilang ulo at ang dulo ng kanilang buntot ay mabuhok.Parehong may sungay ang babae at lalaking kalabaw.

               Kadalasang nagpapalamig sa mga putikan ang mga kalabaw dahil wala silang sweat glands.Nakabubuti ito sa kanilang kalusugan dahil hindi lang sila nakapagpapalamig,nagiging proteksyon din nila ito laban sa mga halamang ligaw.Tuwing umaga kumakain ang mga kalabaw.

               Sa kasalukuyan marami nang mga makinarya na ginagamit ng mga tao para ihalili sa kalabaw.Subalit mayroon pa ring mga magsasaka na gumagamit ng kalabaw sa kanilang pagsasaka.

Mga Sanggunian:
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/kalabaw?_e_pi_=7%2CPAGE_ID10%2C9898973725
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Kalabaw

isinulat ni: Raymondfred V. Salac

Pasko sa Pilipinas

               Ang Pasko sa Pilipinas ay isang gawain ng mga pamilya. Bag ag alas-dose ng hating gabi sa Disyembre 2, ang Misa de Aguinaldo ay idinidiwang. Ang Misa de Aguinald ay ang misa na nagpapabatid ng pagkasilang ni Panginoong Kristo, ang Simbahang Roman Katoliko, at ang Philippine Independent Church (Aglipayan) sa pagdiwa ng sinilangan Jesu Kristo.

               Ang Pasko ay maituturing na isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa Pilipinas at sa ibang panig ng mundo kung saan Katoliko ang pangunahing relihiyon. Maituturing naman na sa Pilipinas ginaganap ang pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko na nagsisimula pagsapit ng Setyembre hanggang sa pista ng Tatlong Hari sa unang Linggo ng Enero.

               Ang Noche Buena ay isang tanyag na kaugaliang Filipino na tumutukoy sa salu-salo o pagdiriwang sa gabi ng bisperas ng kapaskuhan. Hango ito sa salitang Espanyol na nangangahulugang "magandang gabi" o "banal na gabi" at isa ring kustumbre sa mga bansang Espanyol. Tuwing bisperas ng Kapaskuhan, kadalasan ay matapos ang huling misa ng Simbang Gabi, ay nagtitipon ang pamilya, kasama ang iba pang mga kamag-anak, para sa isang masaganang hapunan. Kaakibat ng masayang kainan ay magigiliw na awitin, masiglang sayawan, at walang humpay na kwentuhan.

               Hindi maikakailang malakas ang impluwensya ng Kristiyanismo sa ating bansa dahil sa buong Asya, tayong mga Pilipino ang may pinakamaaga, pinakamahaba at pinakamatagal na pagdiriwang ng Pasko. Pagpatak pa lng ng buwan ng Setyembre, nagsisimula ng makarinig ang lahat ng mga tugtuging pamasko sa radyo. Mayroon na ring mga kaakit-akit na mga ilaw, parol, at palamut sa daan. Siksikan na rin sa mga mall at mga tiange. Halos lahat ng mga palabas sa telebisyon ay may temang tungkol sa Pasko.


               Ibang klase ang Pasko sa Pilipinas. Sa kabila ng dami ng problemang dinaranas taun-taon, may kakaibang ngiting nakikita sa mga labi ng bawat taong makakasalubong mo sa kalye, sa eskwela o di kaya'y sa opisina. Sadyang kakaibang sigla ang naidudulot ng simoy ng Pasko sa ating mga Pilipino.

Mga Sanggunian:
http://www.tourisminthephilippines.com/city/Tacloban/christmas-in-the-philippines/pasko-sa-pilipinas-araw-ng-pasko.html
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Noche_Buena
http://varsitarian.net/editorial_opinion/opinion/pasko_sa_pilipinas
pasko-wikifilipino


isinulat ni: John Christian M. Pongan

Ang Teknolohiya sa Edukasyon Dapat Palawakin

        Paano nga ba nakakatulong ang teknolohiya sa ating pag-aaral o sa ating edukasyon? Maganda ba ang naidudulot nito sa mga kabataaan na nag-aaral sa Curriculum na K-12? Sa aking paghahanap nakakuha ako ng impormasyon na sasagot sa mga katanungan na ito. Pinakamahalaga ang Edukasyon sa mga kabataan mula elementary hanggang kolehiyo na tumatahak nito. Edukasyon ang tanging paraan para makasabay tayo sa ibang bansa. Pero sa tulong ng mga makabagong teknolohiya mas napapadali an gating mga Gawain sa paaralan. Sa pananaliksik matutulungan tayo nito upang humanap ng mga impormasyon nababatid sa ating katanungan.
        Ang paggamit ng teknolohiya sa Edukasyon ay maraming magandang naidudulot, simula sa simula pa lamang. Dahil bawat paaralan mapapubliko o mapapribado ay may sariling gamit na “Computer Laboratory” upang maturuan ang mga estudyante na gumamit ng mga software at application nito upang makakalap sila ng mga impormasyon sa internet na pinagkukunan ng maraming impormasyon . Dahil sa teknolohiyang ito pwede mo na rin ibahagi ang yung mga nalalaman sa internet o sa blog sa paraan ng pagpopost nito. Upang ibahagi sa mga kabataan ang iyong mga nalalaman para matulungan din sila sa kanilang gawain. Marami na ang nagagawa ng teknolohiya sating pag-aaral. Kung may takdang-aralin tayo sa ating mga subjects na wala sa libro pwede tatong magsaliksik sa internet na matutulungan agad tayo upang masolusyunan an gating problema. Upang madagdagan ang ating mga kaalaman sa pag-aaral.
        Nagagamit din ang teknolohiya sa pagpasa ng mga impormasyon gamit ang komunikasyon sa internet. Upang magamit nila sa pag-aaral. Malawak an gating teknolohiya sa makabagong panahon na ating ginagalawan. Habang lumilipas ang panahon maraming paraan o naiimbento na mga teknolohiya na makakatulong sa Edukasyon ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral. Ang mga ito ay pwede rin magamit sa iyong tatahaking kurso sa kolehiyo. Halimbawa kung ang kinuha mo ngayon sa Senior High School ay ang Technical Vocational na may kaugnay sa “Information and Communication Technology” mas mapapadali ang iyong pag-aaral dahil sa iyong mga nalalaman dahil sa tulong ng teknolohiya ng iyong pinag-aaralan sa Seior High School.
        Ano nga ba talaga ang Edukasyon para satin? Pwede ba ito gamitan ng teknolohiya para matulungan ang mga estudyante na gustong mapaunlad ang ating pilipinas? Ang Edukasyon ay mahalaga satin upang mapaganda an gating kinabukasan at makasabay sa ibang bansa na mas advance pa sa atin. Gamit ang teknolohiya mas napapadali ang ating paghahanap ng mga impormasyon na makakatulong sa atin upang maipresinta ito sa klase na walang pag-aalinlangan.
        Makapagbibigay din ito ng kasiyahan dahil sa mga samu’t saring mga laro na may kaugnayan sa ating pag-aaral na maiingganyo rin sa iba pa. Pero sa paggamit ng teknolohiya ngayon ay wag din itong abusuhin. Dahil sa ngayon umaasa na ang mga kabataan sa teknolohiya upang kumalap ng mga impormasyon na dapat rin kumuha sa mga libro, na mayron ding mahahalagang bagay na dapat nilang tuklasin gamit ang libro.

Stress o Tensiyon

     Ang stress ay isang sitwasyon na nagdudulot ng pagkabahala at iba pang negatibong pakiramdam. Ito'y isang normal na reaksyon o pakiramdam na bunga ng pang-araw-araw na suliranin na kinakaharap ng bawat tao. Ito'y nakaaapekto sa pisikal at sikolohikal gayundin ang emosyonal na aspeto ng tao.

     Ayon sa healthwikipilipinas.org, ang stress ay maaaring isang sanhi ng pagkukulang sa suporta, problemang pinansyal, pampamilya, trabaho at kakulangan sa oras at atensyon. Maaari ring ito'y dahil sa pagkakaroon ng mababang sahod, kawalan ng trabaho, bahay at pamilya, away sa loob at labas ng bahay, pagkakasakit, aksidente, biktima ng karahasan, pang-aabuso, droga at alak. Ito rin ay maaaring magmula sa iba pang paktors tulad ng kultura, klima, relihiyon, lahi at iba pa.

    Ilan sa masasamang epekto ng stress ay ang pananakit ng ulo at kalamnan, paninikip ng dibdib, hirap sa pagtulog, pagkabalisa, kawalan ng pokus sa lipunan at kng malala ay kamatayan, hango sa kalusugan.ph.

    Gayunman ang pangmatagalang stress ay maaari ding magdulot ng di lamang simpleng pananakit ng ulo bagkus pati na rin ng mga kumplikadong sakit tulad ng sakit sa puso, hika, obesidad, diabetes, alzheimer, madaliang pagtanda at premature death. Ayon kay Winner, naaapektuhan din ng pagkakaroon ng stress ang kondisyon sa tiyan. Maaari itong magresulta sa chronic heartburn. Maaari rin itong magdulot ng pagbara sa bloodstream dahilan sa labis na cortisol at adrenaline hormones.

     Ayon sa akoaypilipino, maraming hakbangin ang maaaring gawin upang maiwasan at mabawasan ang tensiyon o stress. Ilan rito ay ang pananatiling positibo, pagmumuni-muni, pagtawa, pag-awit, pagsasaayos ng schedule, pagpapatawad, pagdarasal, pag-eehersisyo, pagkain ng tama, pagrerelax at pagpapahinga paminsan-minsan (Marso 16, 2016)

     Isang malaking suliranin ang stress sa lipunan gayunpa't sentro ng problemang ito ay mga kabataan, propesyunal at mga taong may malaking responsibilidad sa pamilya at lipunan. Importanteng malaman na ang pangangalaga sa sarili at pag-iwas sa stressors ay importante dahil hindi lamang pisikal na sakit ang nakasasama pati na rin ang mga popular na sikolohikal na sakit tulad ng stress.


Mga Sanggunian:
*akoaypilipino(16march2016)
*kalusugan.ph
*http://www.remate.ph/2012/03/10-suliranin-sa-kalusugan-na-may-kaugnayan-sa-stress/
*stress.medicinenet.(hinango noong 16 hunyo 2011)
*stress.emidencehealth. (hinango noong 16 hunyo 2011)
*stress.kidsHealth.(hinango noong 16 hunyo 2011)
*http://health.wikipilipinas.org/index.php/stress



Tekstong Impormatibo ni
Kristina Marie R. Bermejo

Ang Pamahalaan ng Mundo



     Mula sa pagbabagong nangyari sa kasaysayan ng mundo nagkaroon ito nang iba't ibang uri ng pamahalaan ayon sa Tunay na Pinanggalingan ng kapangyarihan. Sa ilalim nito ay ang pamahalaang awtoritarian tulad ng Monarkiya, Aristokrasya at Totalitaryan na kung saan sinasabing hindi nabibigyan ng pagkakataong sumalungat o magpahayag sa namumuno. Bukod sa mga pamahalaang awtoritario, mayroon ding pamahalaang malaya na ang Demokrasya.
     Ang unang uri ay ang pamahalaan monarkiya na kung saan iisang tao lamang ang namumuno at siya ay tinatawag na ganap na monarko. Sa pamahalaang ito, ang lahat ng dyornalismong limbagan at medya ay walang kapangyarihan upang lumimbag ng akda nang walang pahintulot ng pamahalaan. Sa ilalim ng monarkiya, may dalawang uri, ito ay ang ganap o absolute monarchy na kung sa ang kapangyarihan ay hawak ng iisang tao at ang natatakda o limited monarchy ay kapangyarihang hawak ng iisang tao na kung saan siya ay nailagay ayon sa konstitusyon.
     Ang ikalawang pamahalaan ay ang Aristokrasya, ito pinamumunuan ng ilang opisyal na mayroong mataas na katayuan sa lipunan at may kayamanan at kapangyarihan na namana sa mga magulan. Ang huling awtoritarian na pamamahala ay ang Totalitaryan. Ito'y pinamumunuan ng diktador o isang pangkat ng mga makapangyarihang tao. Ngunit kahit na diktador ang namumuno, siya ay humihingi ng mga sangguni mula sa lupon ng mgj tagapayo upang makapagtakda ng batas. Ang mga tagapayong ito ay kabilang sa partidong pulitikal. Walang ibang oposisyon o partido ang maaaring kumalaban at sumalungat sa mga ito. Sa bawat batas o programa kanilang pinatutupad walang sinumang ang makakatanggi dahil bibigyan ito ng kaparusahan.
     Ang huling pamahalaan at nag iisang malayang pamahalaan ay ang pamahalaang Demokrasya. Ang pinuno ay nahahalal gamit ang kapangyarihan ng sambayanan. Sa sistemang ito lahat ay pantay-pantay sa anung pagkakakilanlan. At ginagalang dito ang kahalgahan ng tao.

     Ang ating mundo ay nasa ilalin ng iba't ibang pamahalaan ngunit hindi ito dahilan upang hindi maging isa at payapa ang mundo.



Isinulat ni:                              
Mike L. Pormalejo

Linggo, Nobyembre 20, 2016


Debut

Bukod sa pasko, isa sa pinakaaabangang selebrasyon ng taon ay ang kaarawan. Ito ay isang pagdiriwang na isinasagawa bilang pasasalamat sa mga nagdaang taon na itinagal natin sa mundo mula nang maisilang tayo. Bukod pa dito, ito rin ay opurtunidad sa mga pamilya upang sama-samang makapagsalo, at gumawa ng panibagong alaala. Ang kaarawan ay taon-taon na pinagdiriwang, taon-taon din tayong tumatanda. Ngunit bakit ba ikinokonsiderang espesyal ng mga nakararami ika-18 nakaarawan o “debut?”
Maraming kultura maging sa ibang bansa na kinikilala ang ika-18 na kaarawan bilang “the coming of age of experience.” Ito ay ang edad na kung saan maaari ka nang magdesisyon para sa iyong sarili. Uminom ng alak, dumalo sa iba’t ibang pagsasalo at maging makapagsarili. Kung kaya marami ang umaasam na sa wakas ay dumating na ang panahon na ito.
Ang “debut” ay nagmula sa salitang Pranses na “de” at “but” na ang ibig sabihin ay “mark” at “goal.” Sinasabi ni Carlo, J. (2014) na orihinal na ginaganap ang debut upang pormal na maipakilala ang dilag sa publiko. Ito ay karaniwang pormal na ginaganap para makapag akit ng mga manliligaw mula sa mayayamang angkan. Sa panahon naman ngayon, marami parin ang sumasagawa ng pagdiriwang na ito ngunit taliwas sa trdisyon noon, binibigyan na ngayon ng kalayaan ang mga dilag na makapagpili ng kanyang mapapangasawa.
Ang isang tipikal na debut ay ay ginaganap upang makapagsaya at maghatid ng saya. Ito ay isang “once in a lifetime experience” kung kaya ito ay pinaghahandaang mabuti, lalo na ng mga dilag dahil ito ang pagkakataong maaari nilang maranasang minsan ay maging prinsesa.
Ito ay karaniwang isinasagawan ng seremonya. Umpisa sa highlight ng selebransyon, ang engranteng pagpasok ng debutante suot ang kanyang eleganteng gown. Sa pagdiriwang na ito hindi dapat mawala ang prominanteng parte, ang pagtatanghal ng cotillion na mayroong siyam na pares ng mga mananayaw. Ang bawat miyembro nito ang gagabay sa debutante sa kanyang pagtahak sa panibagong kabanata ng kaniyang buhay bilang isang ganap na dalaga.
Para sa nakararaming babae, ang 18 roses naman ang highlight ng okasyong ito na karaniwang kinabibilangan ng mga naggwagwapuhang maginoo. Ito ay ngrerepresenta ng kahandaan ng babae sa romansa, na siyang orihinal na pakay ng pagsasagawa ng debut. Ang unang rossas ay karaniwang binibigay ng ama, kasunod ng ibang lalakeng miyembro ng pamilya. Ang natitirang miyembro ng 18 roses ay ang grupo naman ng mga kaibigan ng debutante. Ang napiling ikalawa sa huli o huling magbibigay ng rosas ay ang kanyang iniibig.
Mula sa aspeto ng romansa patungo sa pagtuon ng babae bilang indepenteng miyembro ng lipunan. Ang pagpasok ng 18 candles. Dito naman nabibilang ang mga importanteng tao na nagsilbing gabay niya sa buhay. Ang kanyang mga guro, kaibigan at iba pang malalapit sa kanya. Kung sa 18 roses mga lalake, ito naman ay kinabibilangan ng mga babae. Sila ay maghahandog ng mga mensahe, payo at mga hangad para sa debutante. Pagkatapos nito ay isa-isa nilang sisindihan ang kanilang kandila na magsisilbing gabay at liwanag ng debutante sa pagtahak ng daan patungo sa hinaharap at pagtupad ng kanyang mga hinahangad. Pagkatapos nito ay ilalagay na ito sa keyk at saka iihipan.
At ang huli ay ang 18 treasure. Dito naman napapabilang ang mga kaibigan at pamilya ng debutante na siyang magisisilbing gabay tungo sa maunlad na kinabukasan. Sila ay magbibigay ng kani-kaniyang mga regalo at ipapaliwanag kung pano ito magbibigay insiparasyon sa kanya at siya na ring nagsasabi kung gaano nito kilala ang isa’t isa.
Ang debut ay minsan lamang kung mangyari sa buhay ng isang tao kung kaya ito ay hindi lamang isang ordinaryo o tipikal na klase ng kaarawan. Ito ay pagdiriwang ng pagpasok ng isang teenager sa panibagong kabanata ng kanyang buhay.
 
Mga Sanggunian:

Carlo, J. 2014. Turning 18 and Loving It: Understanding that Symbols of Debut Celebrations. Mula sa http://www.debutbyjuancarlo.com.ph/turning-18-loving-understanding-symbols-debut-celebrations/

Sabado, Nobyembre 19, 2016

STRESS



        Ang pagkahapo o stress ay hindi na bago sa buhay ng tao dahil ang stress ay nararanasan ng karaniwang tao sa bawat araw. Ito ay maaaring pagdaanan sa iba’t ibang paraan. Kapag ang stress ay naging mabigat at nagsimulang maapektuhan ang pisikal o mental na tungkulin ng tao, ito ay nagiging isa nang problema.

        Ang stress ay isang normal na pisikal na tugon sa mga pangyayari na maaaring magbigay ng pakiramdam ng pagkakabahala. Kapag naramdaman ng isang tao ang panganib, totoo man o kathang isip lang, ang katawan ay mabilis na dumidipensa. Ang tawag dito ay stress response.
Ang stress response ay ang paraan ng katawan upang depensahan ang tao. Kapag ito ay normal na gumagana, tinutulungan nito ang tao na maging alerto, masigla, at maagap. Sa panahon ng emergency o mahigpit na pangangailangan, ang stress response ang nagbibigay ng dagdag na lakas upang ipagtanggol ang sarili. 

        Ang mga taong kulang sa timbang at hindi nakakakain ng tama, kulang sa tulog o hindi maganda ang pisikal na kalusugan ay mas nahihirapan na harapin at solusyunan ang mga pangaraw-araw na stres sa buhay. Ang taong mayroong sapat na suporta mula sa ibang tao ay mas nakakaranas ng kaunting stress at mayroon mas malusog na mental na kapasidad kumpara sa ibang tao na kulang ang nakukuhang suporta.

        Iba naman ang stress sa depresyon dahil ang depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ang isang tao ng labis na kalungkutan. Ito ay namamana o kaya’y sanhi ng mga pagbabago sa utak at hormones, problema sa neurotransmitters (mga kemikal na naghahatid ng signal mula sa katawan papunta sa utak), mga pangyayari sa buhay, stress, at trauma. Ito’y maaaring pangmatagalan o pabalik-balik.

       Sa pagsusuri ng stress ay kinakailangan na kunin ng doktor ang kasaysayang medikal ng pasyente at magsagawa ng pisikal na eksaminasyon upang mahanap ang medikal na problema na nagdudulot ng mga sintomas ng pasyente. Maghahanap ang doktor ng underlying stress na maaaring maging isa sa mga dahilan ng sintomas ng stress. Ang mga pagsusuring tulad ng ECG ay maaaring kailanganin upang matangal ang nasa ilalim na pisikal na sanhi ng mga sintomas.

        Para hindi ka masagad ng stress, puwede mong bawasan ang mga responsibilidad mo o kaya’y patibayin ang iyong “makina.” Ang minsa’y hamon sa isang tao na nauuwi sa stress ay ang pagpapaliban. Na kung saan kapag marami ka nang pinoproblema ay iniiwasan mo na ito at minsa’y iniiwan at ipinagwawalang bahala mo na. Ang isa sa mga maaaring solusyon dito ay simulan mo agad kahit hindi mo matapos. “Huwag magmakupad sa inyong gawain,” ang payo ng Bibliya. (Roma 12:11) Kung mabigat na ngang gawin ang isang mahirap na trabaho, at pinatatagal mo pa, lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo. Makatutulong kung may listahan ka ng mga gagawin mo. Hati-hatiin ang mabibigat na gawain ayon sa kaya mo. Ang pagliista ng iyong mga gawain ay makakatuong rin. 

Mga sanggunian:
Epektong Sikolohikal Ng Stress Sa Mga Magaaral ni  Jeanne Bondoc

Isinulat ni: 
John Linarson Z. Napoles  





DROGA: CANCER NG PILIPINAS

                              Laganap na krimen at korapsyon ang ilan sa mga sakit ng Pilipinas, dahil sa mga ito nabulag tayo sa katotohanan na droga ang pinagmulan ng lahat. Itinuturing na ipinagbabawal na gamot ang droga ngunit sa kabila ng lahat na ito patuloy pa rin sa paggamit ang mga Pinoy.Kahit mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit nito, lumaki pa rin ang industriya ng nasabing bawal na gamot sa ating bansa. Ang pagsimula ng pagtikim ng droga ay siya na rin ang hudyat ng adiksyon.

Walang duda ang adiksyon ng mga Pilipino sa droga dahil sa talamak na krimen na nagaganap sa ating bansa. Ang palabas na S.O.C.O sa tuwing sabado at ang iba pang istasyon ang makapagpapatunay na nito. Isang batang babae, dalaga o matanda man ay nagahasa at ang karaniwang dahilan ng mga suspek ay hindi nila alam ang ginagawa nila dahil lulong sila sa droga. May mga pagkakataon naman na ang ama mismo ang gumagahasa sa kanyang anak dahil sa paggamit ng droga. Isang balita rin sa TV Patrol ang nagnakaw ng aking atensyon, ito ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng mga konstraksyon worker habang nagpapahinga sa trabaho. Iisa lamang ang kanilang dahilan sa tuwing sila ay isasailalim sa imbestigasyon, hindi nila alam ang kanilang ginagawa.

Sa patagong pagpuslit sa iba't ibang paliparan at dungan sa bansa, mas matagumpay na naibebenta ang mga ito ng mga parokyano sa mga mayayaman at kahit na sa mga mahihirap. Para sa mga nasa matataas na antas ay gamot raw ito sa kanilang mga sakit ngunit nagsilbi itong negosyo at pampalipas gutom ng mga mahihirap. Sa malaking paghahangad na umasenso ay kumapit sila sa maling pamamaraan (Tina Panganiban-Perez).

Ayon sa Dangerous Drugs Board, ang paggamit ng droga ay sakit na raw ng mga Pilipino dahil sa laki ng bilang ng mga gumagamit nito. Ngunit sa pagpasok ng administrasyong Duterte, umusbong ang malaking pagbabago sa Pilipinas. Ang kampanya kontra droga ay ang siyang pangunahing pinagtuunan ng pansin ng nasabing administrasyon. Ayon kay Raffy Tima, pulis man, guro, ordinaryong mamamayan, mga kilalang tao at kahit na ang mga nasa New Bilibid Prison ay hindi pinatawad ng umarangkada ang giyera kontra droga. Sa paglipas ng panahon, unti-unting lumitaw ang maruming kalakaran sa Pilipinas ng nasabing ipinagbabawal na gamot. Tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro Manila ang apektado ng droga ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency at hindi pa kasali ang kasalukuyang datos ng iba pang pulo.

Malaking epekto sa ating mga mamamayan ang dulot ng pagkalulong sa droga ng ating mga kababayan. Sa ating natunghayang mga krimen ay mismong tayo ay tila nanganganib sa ating bansang sinilangan dahil sa laki ng bilang at walang humpay na mga gumagamit nito, sa cancer na kung ituring. Isang sakit na mahirap gamutin ngunit unti-unting binibigyang lunas ng kasalukuyang administrasyon (http://www.philstar.com/punto mo.)


Sanggunian:
http://www.gmanetwork.com/news/story/574238/publicaffairs/brigada/isyu-ng-iligal-na-droga-sa-pilipinas-sisiyasatin-ng-brigada
http://altermidya.net/paki-explain-war-drugs/

Ni: Rica Mae Gacer

Mga Pambihirang Pagkain na Napakahalaga sa Ating Kalusugan



        Napakaraming pagkain sa ating mundo, pero hindi natin alam kung ang mga pagkain ba na ito ay makakabuti sa ating kalusugan o hindi. Sa ating mga kinakain, napakaimportante malaman natin kung ito ay mabuti o hindi sapagkat dito nakasalalay ang ating buhay.  Ang tekstong ito ay mayroong walong pagkain na may pambihirang nutrisyon na napakahalaga at talagang kinakailangan ng ating katawan.

Itlog
Ito ay isa sa mga kinakatakutan ng lahat dahil sa mataas nitong cholesterol. May bagong pag-aaral  ang nagsasabing hindi ito nakasasama sa dugo at hindi rin nagiging resulta ng heart attack. Ayon kay Toby Amidor, may akda ng The Greek Yogurt Kitchen, ang isang buong itlog ay puno ng protina at ang yolk naman nito ay may maraming nutrisyon katulad ng Vitamin D at B12, riboflavin, choline and selenium. Ito rin nagpapalinaw ng mga mata, dahil meron rin itong phytochemical antioxidants lutein and zeaxanthin. Ayon naman kay Kris Gunnars, sa pag-aaral ng 30 overweight women nalaman na sa pagkain ng mga babae ng itlog sa umaga ay nagiging mas masigla sila at pagkain nila ng kunti  para sa susunod na 3 araw na makakatulong sa pagbabawas ng timbang. Makukuha mo rin sa itlog ang  kailangan mo sa calorie restricted diet at karamihan ng nutrisyon ay makukuha sa pula ng itlog(yolk).

Kamatis
Ang pulang kamatis ang mas mabuti dahil ito ay punung-puno ng antioxidant lycopene na nakatutulong sa pagbaba ng dulot ng mga sakit katulad ng bladder, lung, prostate, skin, stomach cancers at coronaryartery disease.  Ayon kay Keri Gans, may akda ng The Small Change Deit, ang kamatis  rin ay mayaman sa Vitamin C na nagpapanatili ng matibay na immune system. Basesa pag-aaral ng American Journal of Clinical Nutrition, masasabi na kapag mas mataas ang pag-intake ng Vitamin C, mas nagiging makinis ang kutis, nakakabawas ng pagkakaroon ng wrinkled skin at nagpapanatili ng batang kutis.

Blueberries
Ayon kay Jennifer McDaniel, Food &Nutrition Expert, ang isang tasa ng blueberries ay may 80 calories atnagbibigay ng 14 % ng rekomendadong pang-araw-araw na fiber at Vitamin C.  Ito ang nangunguna dahil sa nilalaman nitong antioxidant kompara sa ibang prutas. Ayon sa pag-aaral sa American Journal of Clinical Nutrition, ang mga blueberries ay nagpapataas  ng lebel ng good HDL chotlesterol at nagpapababa blood pressure. Ayon naman sa Best Health, ang blueberries ay nakatutulong sa pagsugpo ng heart disease, cancer, paglabo ng mga mata at pagkawala ng memorya. Ang blueberries din ay nangunguna sa pagpigil ng sakit na Urinary Track Infection (UTI) .

Mani
Ayon kay, Kris Gunnars, kahit na ang mani ay siksik sa fat, hindi naman talaga ito nakakapataba. Ito ay mayaman sa heart-healthy omega-3, puno nganti-flamamatory polyphenols, protina na bumubuo ng mucles.Ang pagkain ng mani ay nakatutulong sa pagpapatibay ng metabolic health at nakakatulong din sa pagbawas ng timbang. Nalaman sa pag-aaral sa mga tao na mas malusog at mas maganda ang katawan ng mga taong kumakain ng mani kaysa sa mga taong hindi kumakain.

 Buto
Ayon sa Best Health, napag-alaman na ang mga buto ay talagang maganda sa puso. Ayon naman kay Dawn Jackson Blatner, may akda ng Flexitarian Diet, hindi lang daw ito nagbibigay protina, mayaman pa ito sa healthy fats at isa sa mga pinagkukunan ng fiber sa buong mundo. Itong mga fiber na ito ang nakatutulong para maalis ang mga cholesterol at nakakabawas ng timbang dahil ang 8 grams ng fiberay mayroong 1,000 calories.Ang buto rin ay puno ng anthocyanins at antioxidant compounds na nakatutulong sa pagkakaroon ng maayos na pag-iisip.

Oats
Ayon kay Kris Gunnars, ang mga oat ay puno ng fiber na nakakatulong sa paglaban sa heart disease. Ayon naman kay Bonnie Taub-Dix, may akda ng  Read It Before You Eat It at kay Mitzi Dulan, may akda ng The Pinterest Deit, ang oat nakakatulong sa pagboost ng protina, fiber, at calcium na mayroong 20 grams ng protina bawat tasa at 4 grams ngfiber bawat tasa. Ang oat din ay puno ng beta-glucans na nakakatulong sa pagpapatibay ng metabolic system, nakakapagpababa ng blood cholesterol, at heart attack.Ayon naman kay Matthew Thompson, ang pagkain ng agahan na may oatmeal, 3 oras bago mag-ehersisyo ay nakakatulong sa pagtunay ng taba na nakapagbabawas rin ng timbang.

Yogurt
Ayon sa Best Health, ang yogurt ay malaking pinagkukunan ng bone-building calcium. Nakasalalay sa buhay ng bacteria, probiotics, ang nutrisyon nitona nakatutulong sa trabaho ng iyong gut. Ayon naman kay Kris Gunnars, ang pagkakaroon healthy gut ay nakakatulong sa pagprotekta laban sa inpeksyon at leptin resistance. Ang pagkain maraming yogurt ay nakakatulong sa paglaban sa inflammatory bowel disease, ulcers, urinary tract infections, atvaginal yeast infections, at sa pagpapatibay ng immune system.

Salmon
Ayon kay Kris Gunnars, ang salmon ay oily fish, puno ng mataas na kwalidad ng protina, heathy fats at naglalaman ng lahat ng importanteng nutrition. Ito rin ay nagbibigay ng iodine na kailangan ng thyroid, na nagpapanatili ang sigla ng tao. Sa pag-aaral naman sa American Journal of Clinical Nutrition, napag-alaman na kapag maraming kinaing isda na puno nang omega-3, nababawasan ang paglala ng sakit sa balat ng 30% at nakatutulong para maiwasan ang inpeksyon. Ayon naman sa mga scientist, ang omega-3 daw ay nagsisilbing proteksyon sa mga cell wall.

            Ang mga pagkain na ito ay may iba’t ibang nutrisyon na makakatulong upang maging mahaba, maayos at maligaya ang ating pamumuhay. Saan ka pa? Mura na, masarap pa at higit sa lahat siksik sa sustansya.

Isinulat ni:
JEROME C. PENSICA

PILIPINAS: Demokratikong Bansa

Noon ang mga Pilipino ay walang sapat na karapatan upang pumili ng karapat-dapat na pinuno pero nung nagsimulang maging Pangulo ng Pilipinas si Cory Aquino noong ika-25 ng Pebrero 1986, nagsimula siyang manungkulan at siya ang nagpasimula ng Demokrasya sa Pilipinas kaya't ibinalik sa mga Pilipino ang karapatan upang bumoto at pumili ng pinuno. Si Cory Aquino rin ang tinaguriang "Ina ng Demokrasya", kaya dahil sa kanya naging Demokratikong Bansa ang Pilipinas.

Ayon sa aklat na ang Pilipino at ang Kasaysayan ng mga Bansang Asyano (1991), ang salitang Demokrasya ay mula sa Wikang Griyego. Binubuo ito ng dalawang bahagi, ang mga ito ay ang demos at kratia. Ang demos ay nangangahulugan ng "tao" at ang kratia ay nangangahulugan ng "pamumuno ng mga tao". Sa loob ng maraming taon, ipinaglaban ng ibang bansa sa Asya ang Demokrasya upang di mapalitan ng ibang Ideolohiya. Isa na dito ang pakikipaglaban ng Pilipinas. Nakapailalim sa Saligang Batas 1987 na may anyong Presidensyal ang Pamahalaan ng Pilipinas. Mayroon itong tatlong sangay: kagawarang tagapagpaganap na pinamumunuan ng Pangulo o ang Sangay, ang kagawarang pambatasan na binubuo ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan at ang kagawarang panghukuman na binubuo ng Korte Suprema at ng Mababang Hukuman.

Batay sa website na documents.tips/documents/ang-kahulugan-ng-ideolohiya.html, ang Ideolohiya ay ang kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao. Ang Demokrasya na nakapailalim sa Ideolohiya na ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Sa Demokrasya ay maaaring makilahok ang mga mamamayan ng tuwiran o di-tuwiran. Ito ay tinatawag na direct o tuwirang Demokrasya kung ibinoboto o malayang naipipili ng mga mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan at ito naman ay itinuturing na di-tuwirang Demokrasya kung ang mga kinatawan sa pamahalaan ang ibinoboto ng mga mamamayan na siyang pipili ng pinuno sa pamahalaan.

Nakasaad naman sa website na www.gov.ph, isang republikang may pampanguluhang anyo ng Pamahalaan ang Pilipinas kung saan mas pinaigting ang paghahati ng pantay na kapangyarihan sa tatlong sangay na tinawag nang: Ehekutibo, Lehislatibo, Hudikatura. Ang Lehislaturang Sangay ay ang tagagawa ng batas kung saan nahahati ang institusyong ito sa Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang Ehekutibong Sangay ay ang tagapagpatupad ng batas, ito ay binubuo ng Pangulo at Pangalawang Pangulo. Ang panghuling sangay ay ang Hudikaturang Sangay, ang tagapaghukom kung saan binubuo ito ng Korte Suprema at Mababang Hukuman.

May mga katangian na taglay kaya't naging Demokratikong bansa ang Pilipinas batay sa website na www.academia.edu. Unang katangian ay ang pagboto na nagsasaad na ang mga mamamayang may sapat na gulang ay maaaring makapamili ng mga opisyal na mangangasiwa sa pamahalaan. Karapatan ng mga mamamayan na pumili kung sino ang mamumuno na gagawa at magpapatupad ng mga batas. Isa rin sa mga katangian ay ang karapatan ng  mamamayan na makialam sa pamamaraan ng pamamalakad ng pamahalaan at ang lahat ng mamamayan ay pantay sa harap ng batas. At ang panghuling katangian ay nagpapahayag na ang pagbabago ay maaaring makamtan sa paggawa ng mga batas, pagkakaroon ng mga aralin o leksyon, o ang pagrerebisa sa Saligang Batas.

              Sa kasalukuyan, itinuring nang matatag na Demokratikong bansa ang Pilipinas dahil napagtibay ang karapatan ng mga mamamayang Pilipino. Kaya't bilang isang mamamayang Pilipino, mahalagang ambag ito sa akin sa darating na makabagong henerasyon na magpapatuloy sa nasimulan ng umiiral na pang-kasalukuyang pamahalaan. Bilang isang Demokratikong Bansa ang Pilipinas, tayong mga Pilipino ay may kakayahang mabuhay ng malaya sa ating sariling bansa ngunit kailangan din nating tandaan na kakambal ng ating kalayaan ay ang mga nakaatas sa ating mga tungkulin na kailangan nating isakatuparan. Itatak rin natin sa ating mga utak o isipan na ang kalayaan ay may kaakibat na limitasyon at huwag natin itong abusuhin. Dapat tayong mga mamamayang Pilipino ay maging responsable sa pagkakaroon ng Demokratikong Bansa.



Ang Pilipinas

               Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla. Tinatayang higit sa 300,000 kilometrong kwadrado (sq.km.) ang laki ng nasabing bansa. Nahahati ito sa tatlong malalaking pulo o isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa taong 2013, umabot ang kabuuang populasyon ng bansa sa 111, 218,000. Kilala ang bansang Pilipinas bilang "Asia's Largest Catholic Country" dahil sa dami ng mga Katolikong Pinoy. Dahil sa higit isang daang etnikong matatagpuan sa bansa, nagkaroon ng halo-halong kultura na siyang naging paraan para makilala ang Pilipinas sa iba't-ibang parte ng mundo.

              Ang Pilipinas ay isang konstitusyonal na bansa. Mayroon itong pangulo na nagsisilbing parehong pinuno ng gobyerno at estado. Isa ang bansang ito sa mga orihinal na kasapi ng Association of SouthEast Asian Nations(ASEAN) at ng (United Nations). Sa taong 2016, naihalal bilang pangulo ng bansa ang dating lider ng Davao City na si Rodrigo "Rody" Roa Duterte, na mas kilala bilang "Digong". Ang bansa ay may sariling embahado at konsulado sa 62 bansa sa buong mundo. 

             Bilang bansang may bukas na ekonomiya, nakikipagkalakal ang Pilipinas sa iba't-ibang parte ng mundo. Kabilang ang mga sumusunod sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa: electronics, semi-conductor, transport equipment kagamitang pangkonstruksiyon at mga mineral.

            Kung turismo ang pag-uusapan, kilala ang bansa sa katagang "It's More Fun in the Philippines". Noong 2013, umabot sa higit 4.7 million na mga turista ang dumagsa sa bansa. Isa sa mga pinag-uusapang tanawin sa bansa ay ang Banaue Rice Terraces na may edad na 2000 taon. Ginawa ng mga Ifugao ang nasabing lugar nang walang ginamit na anumang-modernong pamamaraan.


            Hindi lamang kilala sa kontinente ng Asya kundi pati narin sa iba't-ibang parte ng mundo. Kulturang talagang walang katulad at Pilipinong walang kasing bait. Pilipinsa: Isang bansang pinagpala ng Maykapal.

Sistema ng Pagsaska: Noon at Ngayon


Ang Pagsasaka ay isa sa pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino sa Pilipinas. Kung saan ang karamihan sinasaka rito ay bigas na siyang pangunahing pagkain sa bansa. Ayon kay Robert B. Froa,nagging pinuno sa Anthtropology Division of National Museum of the Philippines. Sa loob ng maraming taon, sinimula sa isagawa ang pagsasaka noong Panahon ng Bagong bato.

            Ayon sa “Standard Comprehensive International Dictionary”, ang pagsasaka ay pagbubungkal ng lupa at pagtatanim ng mga buto sa isang malawak na bukirin. Ang manggawa rito ay ang mga magsasaka.

Noon kalabaw ang ginagamit sa pagsasaka, at mano-mano nila etong ina-ani.”Kamtin ang Agrikulturang MakamASA”. Ayon sa nasabing lIbro. Ang Manu-manong pamamaraan ay maaring sa pagyapak ng paa,pagpatpat,o paghampas ng inan sa tubo at solidong bagay. Sa paggamit ng paa, ang palay ay inilalagay sa sahig-giikan at niyayapakan. Naka gigiilk ang isang taong 14.5 kilo ng butil sa loob ng isang oras. Sa paggamit ng hayop(kalabaw/baka), ang inani ay inilalagay na paikot sa isang haligi.Nakaharap sa haligi ang mga uhay.Upang magiik ang butyl, marahang pinalalakad nang paikot ang dalawang kalabaw. Sa pagpatpat, naghihiwalay ng mga butil sa pamamagitan ng patpat na kahoy o kawayan. Isa pang paraan ang paghampas bg nga uhay sa isang matigas na bagay. Sa paraang ito, nakagigiik ng 20-60 kilo ng palayan isang tao bawat oras.

            Ngayon ay ginagamitan na ito ng mga makabagong makinarya, bagkus di na kailangan ng maramaing mag sasaka upang mag ani. Reaper o Walking type harvester na ang ginagamit. Pinuputol ng reaper o walking type harvester ang palay sa nais na ibinabagsak ang naputol na pananim sa isang gilid ng makina na nakahany ng diretso upang mapabilis ang manu-manong pagiipon. Nangangailangan ito ng isang operator at lapad ng pag-aani ay hanggang1 metro sa isang pasada. Kaya nitong gapasin ang tanim na palay sa 2-2.4 ektarya sa 1 araw. Sa inisyal na tala ng SED, noon tag ulan ng 22011, 8 tao ang kailangan upang maipon ang ginapas na palay sa loob ng isang araw. Ang labor power cost nito kada ektarya ay umabot sa P3, 366. Sa Luzon, pinakamarami sa Pangasinan ang naitala ng SED na gumagamit ng mechanical repear tagapagpalit at tagdala ng mga kahong ipunan. Ang mga natitirang tauhan ay siya naming bahala sa pamamahala ng paglilinis ng maliit na pangiik at paglalagay ng mga butil sa sako.

            Mas mapapdali nga ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya, ngunit marami naming mawawalan ng hanapbuhay na mga magsasaka sa paggamit  ng mga makabagong teknolohiyang ito. Mas maganda pa ring ipagpatuloy ang mga paggamit ng agrikultural na kagamitan noon kaysa ngayon subalit hindi lahat ng pagsasaka ay iaasa sa teknolohiya. Kalabaw at sipag at tiyaga ng mga magsasaka ay sapat na upang mamuhay.

Biyernes, Nobyembre 18, 2016

Teknolohiya: Noon at Ngayon

          Ang teknolohiya ay masasabing isa sa paraan ng pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa pag lunas ng mga suliranin ng mga tao. Bilang isang Gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhenyeriya.

          Noong unang panahon hindi pa gaanong maunlad ang teknolohiya. Marami pa rin na mga gawain ang ginagawa sa proseso ng mano-mano. Sa kasalukuyan marami na an gang naiimbento para mas maging madali ang mga gawain ng tao. Bukod sa kompyuter, na imbento na rin ang washing machine na ginagamit sa paglalaba, ang rice cooker para sa pag sasaing at higit sa lahat ang cellphone para mapadali ang pakikipag komunikasyon ng mga tao.

          Noon ang mga mag-aaral ay hirap na hirap sa pag-aaral dahil wala pang kompyuter. Pumupunta pa sila sa mga silid-aklatan at humihiram ng napakaraming libro para lamang maka pag rebyu kapag may pagsusulit.Pero sa ngayon , nakaimbento na ng kompyuter, ang mga mag-aaral ay hindi na nahihirapan para makahanap sila ng mga impormasyon sa kanilang pag-aaral at dahlia na rin ito sa tulong ng internet.

          Napakalaki ng pagbabago ng teknolohiya sa ngayon kumpara noon. Noon unang panahon wala pang cellphone, gumagamit lamang sila ng dahon at tela na kanilang sinusulatan ng mensahe hanggang sa nakagawa sila ng papel na kanilang sulatan at nagkaroon na rin ng mga mensahero na siyang nagdadala ng mga sulat.

         Sa panahon ngayon, napakalawak ang pinagbago ng teknolohiya sa edukasyon. Isa na rito ang praktikal na teleskopyo na nagsilbing mahalagang instrument sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya nag nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napapabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Na imbento rin ang prodyektor kung saan ito ay madalas gamitin ng mga estudyante o sa pagpupulong.Sa makabagong panahgon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrument sa ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter.

          Sa paglipas ng panahon , nagkaroon tayo ng globalisasyon kung saan patuloy na umaangat ang ating teknolohiya , at sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya masasabing nakasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng maunlad na bansa.

Isda


Ang isda ay isang hayop na nakatira sa karagatan. Halos lahat ng isda ay may palikpik, kaliskis at hasang. Ang palikpik ay ginagamit ng isda upang makagalaw sa ilalim ng dagat. Ang kaliskis naman ay ginagamit nila pamproteksyon. Ang hasang naman ay ginagamit sa paghinga ng mga isda. Nasabi sa librong Biology na nilathala nina Levine at Miller, ang catfish o hito ay isang uri ng isda na walang kaliskis.
Sinasabi din sa libro na ang unang isda ay kakaibang tingnan dahil ito raw ay napapaligiran ng buto sa kanyang katawan. Namuhay ang mga ito noong Cambrian Period, limang daang milyong taon na ang nakakalipas. Nanatili silang mabuto nang mahigit isang daang milyong taon.
Noong Devonian Period o tinatawag na Age of Fishes, ang mga isda aynagdanas ng isang malaking adapsyon sa radasyon dahilan upang sila ang maghari sa karagatan. Ngunit matapos ang Devonian Period, ang mga isdang ito ay naubos na. Ngunit kahit naubos na ang mga armored fish, natira naman ang mga pating at iba pang uri ng isda na nagpatuloy sa kanilang uri.
May tatlong grupo ng mga isda sa kasalukuyan. Isa na dito ang mga jawless fish. Ito ay mga isda na walang ngipin at panga. Isa rin dito ang cartilaginous fish na may mga malalambot na buto. At ang bony fish na may matitigas na buto.
Halos lahat ng isda na nakatira sa sariwang tubig o fresh water ay hindi kayang tumira sa salt water dahil sa mataas na konsentrasyon ng asin sa tubig. Pareho din sa mga nakatira sa salt water, hindi nila kaya ang mababang konsentrasyon ng asin sa fresh water kaya nananatili sila kung nasaan sila. Ngunit may ibang isda na kayang maglipat ng tirahan tulad ng Lampreys. Ang Lampreys ay nakatira sa salt water ngunit lumilipat sila sa salt water upang magparami.

Enerhiya Ng Pilipinas

          Ang enerhiya o energy ay ang abilidad na maging aktibo, na siyang nagpapagalaw para makagawa ng mga bagay (Merriam-Webster Dictionary). Mayroong iba't ibang klaseng pinagkukunan ng enerhiya ang Pilipinas. Kabilang sa mga ito ang solar energy, hydroelectric power, geothermal energy at fossil fuels.

          Ang init na nakukuha mula sa araw ay tinatawag na Solar Energy. Ginagamitan ito ng solar panel, na kumukuha ng init sa araw, na nagiging enerhiya. Marami ng ganito sa Pilipinas at sa katunayan dito rin matatagpuan ang pinakamalaking solar farm-- ang Catalagan Solar Farm. Ayon Kay Doris Dumiao-Abadilla, March 1, 2016, ang solar farm na ito at mayroong 200,000 panels na nagsusuplay ng 63.3 megawatts na kuryente sa Batangas. Ang Pilipinas at malapit sa gitnang bahagi ng mundo, kaya mainit ang klima at mas marami ang ating makukuhang enerhiya mula sa araw. Sa kadahilanang ito, ang Department Of Energy(DOE) at nagpaplanong magtayo pa ng Solar Panel Plantation sa iba't ibang bahagi ng  Pilipinas.

          Maliban sa init ng araw, nakakakuha rin tayo ng enerhiya mula sa hangin. Ginagamitan naman ito ng mga turbine. Sa Pilipinas mayroon ng ganito sa Burgos, Ilocos Norte, na pagmamay-ari ng Energy Development Corp.(EDC). Sa 600 hektaryang lupain, nakatayo ang limang-pung turbines na nagsusuplay sa 370 gigawatt-hours ng kuryente sa mahigit dalawang milyong bahay. Ang paraang ito at nakakabawas rin ng mga polusyon sa hangin kaya naman dumarami na ang mga ganitong turbines sa Pilipinas (climate-journal.asia, March 13, 2015).

          Ayon kay Rudolph T. Birsia, 1980 sa kanyang artikulo "The Philippines Geothermal Success Story," ang Pilipinas at NASA seismic area, sa kadahilanang kabilang ito sa Pacific Ring Of Fire. Kaya naman malaki ang aging makukuhang enerhiya mula sa ilalim ng lupa at tinatawag naman itong Geothermal Energy. Sa katunayan, ang Pilipinas ay pumapangalawa sa pinakamataas na prodyuser ng geothermal energy ayon sa International Geothermal Association(IGA). Marami ng ganitong plantation sa Pilipinas, katulad na lang sa Tiwi, Leyte, Negros at Mindanao na nakasuplay ng 27% ng kuryente sa bansa.

          Ang Pilipinas ay isang kapuluan kaya naman malaki ang suplay ng tubig sa bansa. Ayon sa World Resource Institute-Earth Trends: Energy and Resources Of The Philippines, 2006. Ang aging bansa ay nagproprodyus ng 2,900 megawatts ng kuryente. At ang kabuuang konsumo ng kuryente sa banda, at labing-siyam na porsyento rito ay mula sa hydroelectric power.


          Lahat ng tao, hayop at establisyemento man, ay kailangan ng enerhiya para makagalaw. Ngunit ang ating enerhiya ay limitado lamang dahil limitado rin ang aging pinagkukunan nito. Kaya matuti tayong magpahalaga at magkonserba ng enerhiya.

Rehiyon V – Rehiyon ng Bikol



             Ang Rehiyon V o mas kilala sa tawag na Rehiyon Bikol ay may anim na lalawigan: Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, Sorsogon, Masbate, at Catanduanes. Ito ay nasa timog-silangan ng Luzon, ang pinakamalaking isla sa archipelago ng Pilipinas. Meron itong kabuohang sukat na 18,054.3 kilometro. Sikat ang kabikolan dahil sa magagandang lugar na pwedeng maipagmalaki sa buong mundo. Mayaman ang pisikal na katangian ng kabikolan maging anyong tubig o lupa man. ang klima ditto ay simula Nobyember hanggang Enero ay ito ang panahon ng tagulan habang Mayo naman ang pinaka mainit na panahon.

 Ang Rehiyon ng Bikol ay isa sa may pinaka maraming katatagpuang bilang ng bundok at bulkan sa bansa. Bulkang Labo sa Camarines Norte; Kabundukan sa Matnog, Sorsogon; Bulkang Bulusan, Bulkang Isarog, Bundok Malinao, Bundok Masaraga at ang kabundukan ng Pocdol. Narito rin ang isa sa pinakapopular na bulkan sa buong bansa pagkat sibnasabing perpekto ang pagiging hugis apa nito, ang Bulkang Mayon sa Albay ayon sa  

Ang lalawigan ng Camarines Sur ang pinakamalaki sa anim na probinsya ng kabikolan. Ito ay may 35 na munisipyo at 1063 barangay. Ito rin ay may dalawang lungsod, ang Naga at Iriga. Ang lungsod ng Legaspi ay ang sentro ng political at administratibo habang ang Naga naman ang sentro ng Rehiyon Bikol sa linya ng komersya, industriya, relihiyon at kultura. Ito ay nasa pinakagitnang parte ng Bikol Peninsula. Ang dagat ng lalawigan ay may lawak na umaabot sa 526,682 na ektarya. Ito rin ay may malawak na taniman ng palay at niyog. Nandito rin sa probinsya ang maganda at sikat na Camarines Water Sports Complex at ang Danaw ng Buhi na sikat na pinagmumulan ng pinakamaliit na isda sa buong mundo, ang tabios o sinarapan. Ang pangalawang lalawigan ay ang Camarines Norte na makikita sa isla ng Luzon na nasa silangan na parte ng Bikol Peninsula. Ito ay mayroong 12 na munisipyo at 282 na barangay. Ang probinsya ay naka harap sa Lamon Bay at sa Dagat Pasipiko sa parting norteng silangan. Ito ay nasa sur na parte ng Camarines Sur at bahagyang parte ng Quezon kaya halos ng nakatira ditto ay tagalog ang gamit sa pananalita. Ang probinsya ay may sukat na 211,249 ektarya na pinaghati-hati ng 12 na munisipyo, 283 na barangay at isang kongresyonal na distrito. Ang Daet ang nagsisilbing sentro ng buong probinsya ng Camarines Norte. (Ayon kay Thea Joy G. Manalo)

            Ang ikatlong lalawigan ay ang probinsya ng Albay na nasa Sur na paanan ng Bulkang Mayon. Mron itong populayong na 1,233,432 ayos sa census ng NSO nuong 2010. Ito ay may 15 munisipyo at 720 barangay sa loob ng tatlong distrito. Ang lupa nito ay may sukat n 2,544.06 metro kwadrado, kun kaya ang probinsya ang ika-26 na pinakamaliit ng probinsya sa buong Pilipinas. Ito ay nasa norteng parte ng Camarines Sur at sa Sur na parte ng Sorsogon. Ang bulkan Mayon may taas ng 8,077 ft. na sikat dahil sa  pormang kono nito. Agricultura ang pinakauna na pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga Albayano gaya na lamang ng produktong niyog, palay, asukal at abaka. Makikita ang lalawigan ng Sorsogon sa dulong parte ng Bikol Peninsula nan aka harap sa isla ng Samar, San Bernadino Strait, at isla ng Tikaw at Albay. Ito ay nahahati sa 14 lalawigan at 1 lungsod. An lungsod ng Sorsogon ay ang kabisera ng probinsya. Ito ay mayroong 541 na barangay at 2 distrito. Ang bulking Bulusan ay isa sa aktibong bulkan sa kabikolan. Ang Sorsogon at tinatawag na “Gateway to Southern Philippines” dahil nag sisilbi itong pwerto g mga barkong papunta sa Bisayas at Mindanao. Ang probinsya ay nasa hilagang parte ng probinsya ng Albay at Golpo ng Albay. Ito ay may sukat na 2141.45 metro kwadrado at may sukat na 21,414,486 ektarya ng kalupaan. Ito ay may layong 600 kilometro mula sa Maynila. Ang probinsya ng Sorsogon ang nagsisilbing taga konekta sa Luzon, Visayas at Mindanao gamit ang ferry boat sa Matnog, Sorsogon. (Charity A. Capunitan)

            Ang lalawigan ng Masbate ay isa sa mga islang probinsya ng Rehiyon Bikol. Ito ay mayroong 20 lalawigan at 550 barangay, na ang pinakasentro ay ang lungsod ng Masbate. Meron itong malalaking isla: Masbate, Ticao, at Burias. Ang probinsya ay sikat na lugar dahil sa pag-aalaga ng mga baka. Meron itong lawak na 4151.78 kilometro kwaderno. Ito ang pangalawa sa pinaka malaking probinsya na nagdadala ng mga baka sa maynila. Ang probinsya ay bantog sa “ Rodeo Masbateno Fstival” na ginaganap sa mabate tuwing Abril at Mayo ng taon. Ang isla ng Catanduanes ang huling lalawigan na nabibilang sa Rehiyon V. Ito ang probinsyang palaging nadadaanan ng mga bagyo dahil naka harap ito sa kadagatang pasipiko. Ang probinsya ay may lawak n 1511.5 metro kwadrado. Virac ang sentro ng lalawigan. Ito ay mayroong 11 na munisipyo, 315 barangay at 1 kongresyonal na distrito. Bantog ang lalawigan dahil sa mga magagandang baybayin, mga kwebang luma at malalaking mga simbahan. (Walter F. Galarosa). Kilala rin ang lalawigan ng Catanduanes dahil sa Abaca Festival na ipinagdidiriwang dito. Ipinapakita rito ang kahalagahan ng abaca sa kanilang araw-araw na pamumuhay dahil ito ang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga tao sa lalawigan. Abaca rin ang dahil kung bakit kilala ang Catanduanes sa ibat-ibang parte ng bansa.

Kung kaya’t ang Rehiyon V ay isang mayamang lupain dahil sa mga mayayamang kultura ng lugar. Ang rehiyon ng bicol ay bantog sa ibat-ibang parte ng mundo dahil sa mga lutuin at paraan ng pag luluto nito, gaya na lamang ng pag gamit ng sili at gata sa mga lutuin na tinatangkilik ng marami. Kilala rin ang mga Bicolano dahil sa pagiging relihiyosa ng mga tao ditto. Ito ay kilala dahil sa Penafrancia Festival na ipigdidiriwang tuwing buwan ng setyembre. Rehiyon ng bicol ay isa sa mga kilalang bicol sa buong bansa dahil sa kung gaano kayaman ang kultura nito pati na rin ang angking kaisipan at katalinuhan ng mga tao rito dahil sa mga produkdong bantog sa ibat-iabng parte ng mundo.

Medisina: Noon at Ngayon


Ayon sa Egyptian papyrus scrolls, ang panggagamot ay karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng mga pamahiin, orasyon at relihiyosong ritwal. Bago pa nakarating sa Pilipinas ang mga kastila, ang panggagamot na gamit ang mga Pilipino o ang tinatawag ngayong Albularyo o ang paggamit ng mga halamang gamot upang malunasan ang karamdaman (Bibiano Fajardo, Siyensa ng Paggagamot) Nagsimula ang makasensiyang panggagamot sa tagumpay ni Hippocrates sa pagsuri ng iba`t ibang sintomas ng sakit na naging batayan ng kasalukuyang medisina nating ngayon. 
Si Hippocrates din ang tinaguriang Father of Medicine dahil sa paglatag niya ng pundasyon sa makabagong medisina. At ito`y ay sinundan ng pagkatuklas ng Human Antomy. Ilang dekada pa ang lumipas ng di inaasahang natuklasan ni Wilhelm Röntgen, isang hermanong enhinyero at physicist noong 1895 na gumagamit ng radiation rays na pumapalaos sa katawan ng tao nang hindi tinatamaan ang buto, naging madali ang paggagamot dahil sa X-ray, na siyang ginagamit natin, kasama nito ang pag-oopera o surgery. Iba`t ibang uri pa ng sakit ang nagsilabasan sa mga dekadang lumipas, kasama na dito ang pagkadiskubre ng smallpox (bulutong), rabis, kolera, tetanus, yellow fever, pneumonia, hepatitis, influenza, polio at iba`t ibang uri ng bakuna na siyang umakay sa sensiya ng mikrobiyolohiya(Makabagong medisina: Gaano kataas ang maaabot nito?) gayundin ang kinilala nating Stem cell theraphy ay na diskubre noong 1998 na naglalayong maging alternatibong panggagamot sa kanser at iba pang uri ng sakit.
Napakaraming mahuhusay na manggagamot ang naglahad ng kanilang mga pag-aaral kaya`t naging napakabilis ang pagsulong ng medisina sa ikalawangpung siglo, nadiskubre ang insulin para sa diyabetis, chemotheraphy naman ang naging panggamot sa kanser, dialysis para sa sakit sa bato, open-heart operation at mga organ transplants (Makabagong medisina: Gaano kataas ang maaabot nito?) 
Ngayong 21-siglo, naging possible na ang napakaraming bagay na di natin halos maisip na possible, tulad na lamang ng portable lungs, womb transplant, quick test para sa mga nakamamatay na sakit tulad ng malaria, ebola, dengue, haemorrhagic fever at yellow fever. Naglabas din ng pahayag ang unibersidad ng Bonn sa Germany at Unibersidad ng Northeastern sa Boston tungkol sa pagkadiskubre ng bagong antibiotic na epektibo sa mga nakamamatay na infection (pneumonia, tuberculosis, infection sa tissue at dugo) sa tatlumpung taon na walang bagong pag-aaral sa antibiotics. Isa ring pag-aaral sa Roswell Park Cancer Institute ay ang bakunang nakatataas ng survival rate ng isang pasyenteng may kanser sa baga (Medical Advancements 2016) 
Gaano man kalayo ang maaabot ng makabagong medisina, ang mahalaga ay maisakatuparan nito ang layuning magtaguyod ng malusog at katanggap-tanggap na kalusugan sa lahat ng tao dahil ito ay isang sangay ng agham ng kalusugan.


Ang Mga Makatotohanang Nangyayari Sa Pamilyang Pilipino


Ang pagpaplano ng pamilya ay itinuturing na mabisang sandata tungo sa pag-unlad ng pamilya at magandang kinabukasan ng mga anak. Sinasabing mahahadlangan daw ng pagpaplano ng pamilya ang patuloy na pagdami ng populasyon ng tao sa mundo. Ngunit ang artipisyal na pamamaraan at aborsyon na sinasabing pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya ay tinutuligsa ng simbahan. Ang artipisyal na pamamaraan na pagpigil sa pagkakaroon ng anak ay itinuturing na hindi natural at paglabag sa kalikasan ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos. Ayon sa simbahan, walang masama sa pagpapatlang ng anak kung ito ay dadaanin sa natural na pamamaraan. Ayon sa aklat ni Villanueva (1995), kung ang pamilya ay patuloy na mahihikayat ng mapandayang artipisyal na pagpaplano ng pamilya ay magpapatuloy ding mapipinsala ang kalusugan ng gumagamit, ang pagbaba ng moralidad ng bayan at ng buhay espiritwal ng mag-asawang Pilipino.
Sa kasalukuyang panahon, parami ng parami ang gustong magsama na lamang ng walang pananagutan ng mga mag karelasyon o tinatawag na live in. Ipinahayag ni Torres (1994) at mula sa datos ng NSO-NCRFW (1992) na bumababa ang bilang ng nagsasama na may bisa ang kasal. Ayon sa nasabing datos noong 1980, ang bilang ng nagpapakasal ay 7.3% sa bawat 1,000 pareha na nagsasama ngunit simula ng taong 1990 ay naging 6.6% na lamang sa bawat 1,000 na pareha  ang nagpapakasal. Ipinalagay na patuloy na dumarami ang nagsasama nang walang benepisyo o pakinabang ng kasal sa simbahan o sibil man.
Samantala, ang pamilyang may solong magulang o single-parent ay ang mabilis na lumalaganap na istilo ng pamilya sa ating bansa. Batay sa aklat ng Megatrends, The Future of Filipino Children (1998), ang ilan sa kadahilanan sa paglaganap ng nagsolong magulang ay ang paghihiwalay ng mag-asawa, pag-abandona sa anak, pag-aanak sa labas, pag-aasawa ng maaga at pagtatrabaho sa ibang bansa. Ang pagiging single-parent ay napakahirap gampanan dahil siya ang umaako ng lahat na responsibilidad na dapat gampanan na magkatuwang na mag-asawa. Ang pagkawala ng isang magulang ay napakatinding epekto sa pagkatao ng maraming kabataan.
Nakakalungkot isipin na patuloy ang paglaganap ng broken families o ang pagkawatak-watak ng pamilya. Kapag kasi ang tensyon sa pagitan ng mag-asawa ay matindi, malamang ang kanilang pagsasama ay nagwawakas at ang pinaka naaapektuhan dito ay ang kanilang mga anak. Dahil dito hindi nabibigyan ng sapat at tamang pagsubaybay ang kanilang mga anak, kaya gumagawa sila ng hindi kanais-nais na gawain tulad ng paninigarilyo, paggamit ng droga, pag-iinom at pagrerebelde na nagigiging sanhi ng pagkasira ng kanilang kinabukasan.
Ang kahirapan ay isa sa mga suliraning kinakaharap ng pamilyang Pilipino ngayon. At ito ang dahilan kung bakit maraming kabataan ang nagtatrabaho sa ngayon. Ang mga kabataang ito ay napipilitang magtrabaho upang makatulong sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Ayon kay Doicese of Borongan Bishop Crispin Varquez, maraming magulang ang tamad magtrabaho at may mga bisyo kaya napipilitan  ang kanilang mga anak na magtrabaho kahit bata pa sila para gampanan ang responsibilidad ng kanilang mga magulang kaya tumutulong na rin ang mga anak sa pagtatrabaho.(GMA 2013).
Ang pagiging isang magulang ay isang hamon. Nangangahulugan ito ng buong puso at tapang na pagharap sa mga responsibilidad na dapat gampanan. Hindi man maiwasan ang paghihiwalay ng mag-asawa, kailangan pa rin nitong gabayan ang kanilang mga anak para hindi masira ang kanilang kinabukasan kundi para maging maayos ang kanilang paglaki, mayroon silang kumpiyansa sa sarili at may pananalig sa Diyos. Para naman sa mga batang nagmula sa hindi buong pamilya, kailangan nilang maging responsable at matatag sa mga pangyayari at gawin nila itong inspirasyon dahil balang araw ito ang aahon sa kanilang kahirapan. Ayon kay Lagdameo (CRC), upang hadlangan ang paglaganap ng salik na sumisira sa pagsasamahan at kapayapaan ng pamilyang Pilipino ay kailangan ang sama-samang pagsisikap ng lahat na myembro n pamilya upang mapanatili ang katatagan nito.